Friday, January 6, 2012

Sigurado ka ba?

Basta malaman kong magiging okay ang lahat.. Kung may mapapala ba ko.. Kung may mangyayari ba.. Kung masaya ba yon.. BAKIT HINDI?

Dahil ayoko magsayang ng oras sa mga bagay na walang kwenta.

Madali akong mawalan ng gana sa mga bagay bagay. Serioso. Madali din magbago mood ko. Kaya habang okay pa ko, namnamin mo na.. Dahil pag ako yamot na.. WALA NA! putragis.

Hindi ko alam kung napapansin to ng mga taong nakapaligid sa akin. Malalaman mo kung gusto ko yung mga taong kasama ko o ayaw ko. Kung kampante ba ko sa kanila o hindi. Dahil sasama o papayag lang ako sayo AGAD kung gusto ko talaga o kung okay ako sa mga kasama ko. Ayokong mag mukang ewan. Ayokong gumawa ng isang bagay kung di ako sigurado at labag sa loob ko.

BASTA BIGYAN MO NA LANG AKO NG KASIGURADUHAN NA MAGIGING OKAY ANG LAHAT PAPAYAG AKO. GAGAWIN KO. BUONG PUSO PA YAN!

Dahil kung hindi.. sinasabi ko sayo.. Wala kang mapapala sakin. Dahil pag ayaw ko, ayaw ko. Attitude kung attitude. Pero di mo ko mapapagawa ng bagay na ayaw ko talaga.

1 comment:

  1. "Dahil ayoko magsayang ng oras sa mga bagay na walang kwenta." -- INTENSE!

    ReplyDelete