Saturday, December 31, 2011

Goodbye. Hello.

This year is GREAT! :) Met new people, had new experiences, Boracay, made a mistake, new crushes, day dreamed, laughed, loved, cried, got mad, KINILIG, JOSEPH VINCENT, made a decision, 11-11-11, 4M2, LUMAMON, The Dreamlapse Project, Dseo, S.Yoshimoto, C.Nishizu, LOS ANGELES, SEVENTEEN, YOUTUBE, Willy Wonka, Melona etc.. Too many to mention. I don't want to enumerate everything! :)) But I want to thank EVERYBODY, GOD, MY FAMILY, MY FRIENDS for being part of my 2011. Without you, all these wouldn't be possible! HAHA! charot.

I want to share with you my wishlist for 2012! :) (RANDOM!!)
1. Watch Joseph Vincent's show/concert LIVE! FRONT ROW! VIP! ;)
2. Visit El Nido again.. 
3. Go back to Boracay with my friends :)
4. HAVE AN AWESOME JOB! awwyeaahhh!!! $__$ 
5. Go to HongKong (with family or friends!)
6. Go to Singapore (with family or friends!)
7. Have a copy of JV's CD/Mixtape
8. JV Headphone
9. JV Shirt
10. Visit an orphanage (Tagaytay or Tayuman)
11. Graduate on March 26, 2011
12. Start my own restaurant
13. Manage our Pension House in Palawan
14. Special Someone :)
15. Brazilian Wax (HAHAHAHAHAHAHA! FCK!)
16. Go to Los Angeles, California USA (haha! kemerlu eklavuuuu!)
17. Go Para-sailing
18. ROADTRIP!!!!!!!
19. Save ----php a month (hhmmm)
20. ADVENTURE! visit a new place or something.. TRAVEL TRAVEL TRAVEL!
21. LOOSE WEIGHT :)))))
22. Culinary Class
23. Treat my parents somewhere! :) (thank you gift!)
24. Post a VLOG on Youtube :)
25. Marry your daughter! Make her my wife. HAHAHAHA! JOKE :)
26. Kiss a girl so I would know if I'll like it =))))))
27. Make someone happy.. HAHA! kengene.
28. have my own credit card -_-
29. CASINO!!!!!!! kaching kaching!!!! 
30. Live like there's no tomorrow!!!!!!!!!!!! :D
31. Learn how to driiive and own a car! ;)
32. EUROTRIIIP!!!! :)

 That's all I can think of right naww. Mejo parang bucket list na to eh :)) whatever! THIS IS MY GAME PLAN! GAME FACE ON! HAHAHAHAH! LABO! BYEEEE!!!

HAPPY NEW YEAR!!!!!!!! THANK YOU LORD FOR EVERYTHING! :') I LOVE YOU!!!!! :)

Friday, December 23, 2011

Kasal.

Nakakatawa lang na ngayon ko lang napanopd ang Jolina Magdangal-Mark Escueta Wedding video sa ytube tas biglang hihirit tatay ko na "hiwalay na nga sila eh." Nagulat ako. Tinigil ko yung video eh. Sabay tingin sa date. Eh kelan ba sila kinasal? Bat hindi ko alam? sabi pa pala ng tatay ko "huli ka na sa balita!" may kasunod pang tawa yon. THANKS HUH! =)) tatay nga kita.

Pero sa totoo lang habang pinapanood ko yung video ng kasal nila natatakot ako, kinakabahan. Kaya din siguro ako nagblog kasi ang dami kong naiisip. Nakakakaba. Di ko maexplain kung anong kaba yung nararamdaman ko pero siguro kaba kung tamang lalaki ba mapapangasawa ko. Hindi ko nga alam kung sino eh. Pero kung tatanungin mo ko ano ang "dream wedding" ko wala pa kong masasagot ngayon. Hindi rin siya sumagi sa isip ko. Ngayon lang. Ewan ko din kung bakit eh :))

Pero ano nga kayang feeling pag ikakasal ka na. Ano feeling habang naglalakad ka papuntang altar? Talaga bang nakakaiyak? Eh pero pano mo ba talaga malalaman kung yung lalaking mahal mo ang talagang makakasama mo habang buhay. Mahirap sagutin. Pero sa ngayon.. Ilalagay ko muna yung mga gusto ko asawahin pati song sa kasal. HAHAHAHA BAM!!!! :D

Top 3 Songs
1. Ikaw Lamang



2. I Will



3. Marry Your Daughter



Top 3 Husbang :))
1. Joseph Vincent Encarnacion (ofcourse!)
2. SDRD (parang memory card lang!)
3. Si :) (tara sa Canada! HAHAHA! JK)


LIGHT BULB MOMENT!!!!

kasi noong highschool pa ko, nagsulat seatmate ko sa planner ko kung sino 1st boyfriend ko. HAHA! Kakatawa. Ang pangalan daw MARTIN! hhmmm... :)


Nasaan ka ba Martin? LABAS NA! :))) joke lang! muntanga. we'll see we'll see.. HAHA! pero gagawa muna ako ng Strama Rama paper! BYE! :)

Friday, December 16, 2011

Kill Joy?

Hi. Ako Borbs. HAHA!

natripan ko lang mag blog! parang lahat ng Thomasians nasa UST ngayon to celebrate Paskuhan.. but i chose to be different! :)) CHAROT! Home girl ako. Katamad na magpunta tska wala ako kasama! :)) im zow cool. But... Gusto ko talaga makita yung bonggang bonggang Pyromusical thing sa UST later.. Party Rock daw ang song eh! naiimagine ko! ang saya! parang nung sa EK lang siguro! :) :D

hhmm.. 3rd day ko kaanina sa OJT! :) Masaya!!! pero shy type pa rin ako. haha! what did we do ba? :)) conyo amp. Gumawa pa rin ng stuff for their Christmas thang :) sarap nung brownies eh! :)) Finally met G, another female intern and A! :) they're friendly and me likey!!! dami namin sa kakarampot na room eh :)) 6 interns and 5 bosses in one itsy bitsy tiny hotel room na ginawang opis :)) pero cool! funny. Im enjoying! :) PLUS!!! Sir A, my super duper boss, was absent! tas nagtext kay Sir J naa si R (my co-intern) will be Santa Claus for the day! LAUGH TRIP! :)) "Little Santa of Astoria" daw. Nasa lobby siya ng hotel from 6pm-7pm mamimigay ng candies!! :)) was not able to take a picture him! :))  24 hrs na ko sa OJT! YAS!!!

hhmm.. had a  mini kwentuhan kanina with Lola Borbs tas natawa siya sa akin! Kasi we were talking about World War 2 tas namention niya sugar cane.. sabi ko "yun yung ngina-nga-nga diba?" TINITIGAN NIYA KO TAPOS MEJO INIS YUNG MUKA TAPOS SABI NIYA PABULONG "ay gag......." HAHAHAHAHAHAHA TAS TAWANG TAWA AKO KASI ALAM KONG MALI AKO! tas natawa na din siya!! Tinanong ko kung ano ba yung NGA-NGA... inexplain niya di ko magets kasi tawang tawa ako sa reaction ng muka niya =))) pota! NGAT-NGAT daw... taas sabi ko "ay luya pala yung ngina-nga-nga" tae ambot mas lalo kaming natawa :)) funny family! :))

what else what else... :))

PASKUHAN!!!!! Fcking Paskuhan. joke. haha. No im not bitter. I don't know. I'm not gonna lie... But. I never enjoyed Paskuhan.. swear. 1st year kasama ko highschool friends ko! Okay lang. 2nd year, with my 2nd year friends naburat kami so we went to Bedroom na lang sa Eastwood! serioso mas masaya pa yung Eastwood part eh. Tas dumaan kami sa Q.Ave. Eh tong mga gago kong kaklase ubod ng gago, malamng Q.Ave daming pokies, tumigil kami, binaba bintana tas tinanong kung magkano sabay harurot ng koche! HAHA! tas kung ano ano nang napagusapan! talaba. tahong and other sea shells =)) 3rd year, ano ba nangyare? shet di ko maalala.. eto ata yung nagaway kami ni Carl ni Mona.. HAHAHA not sure. can't remember :)) shet. Kaya di rin ako nagpunta eh.. kasi feeling ko same lang din mangyayare. =)) Pero gusto ko talaga makita yung payrworkz! :))

BUT, another reason is.... Mashadong maganda ilaw sa UST, nakakalungkot. GETS MO!? :)) Nalulungkot ako sa ilaw ng UST pag gabi. Sobrang saya niya nalulungkot ako. PAULIT ULIT!? :)) EMO TIME NA SHET! :)))) ETO NA TO EH. Bumabalik yung masasayang araw ko. May ibang aura kasi sa akin yung UST pag sapit ng dilim. Parang sinasaniban ako ng kung anong nilalang jan sa gilid. hahaha! Pero serioso ako. Ewan ko. Marami akong naaalala. Kasi nga sobrang lupit nung pagkasaya ko nung 2nd year pm life ko tas biglang *poof* nawala. Iba epekto ng gabi sa akin sa UST eh. Di ko alam pano iexplain. Pero shet na malupet! NOON KASI, PAG GABI NA SA UST, ANG DAMING NANGYAYARE SA BUHAY KO NA MEMORABLE :D Kaya pinili ko na din wag magpunta kasi di ko kayang harapin ang reality na wala na yung mga yon. Lalo na pag dumadaan ako sa 1611. NAKNAMPOOCHAA YAN OH! Dating inumaan naging PANADERIAA! akalain mo!? HAHAHAHAHA! Dun ko kasi nakabonding ng malupet friends ko. TAPOS! Eto hayop to, dun ko kaasi nakaholding hands ultimate cruush kong lalake! PAK!!!!! =)) pasabog yon. sikreto na lang kung sino. ANG DRAAMA PA NUNG MOMENT NAA YON DAHIL PAAUWI NA SIYAA! PAKSHET! PERO SIYA TALAAGA YUNG NAAUNA EH! tapos asjdhkjasdhi3owqhda k bye. enuf. :)))

see. that's my reason for this season! :)) kbye. natatae na ko. tugsh.

pero wait. light bulb moment. Nakakatawa lang na wala na yung 1611 inumaan pero yung mga taong nakasalamuha ko sa lugar na yon andito pa rin kaso iba na takbo ng buhay ng baawat isa. except kay kuya kendi! nagtitinda pa rin siya sa tabi ng 1611 at nakakatuwa lang na pag dumadaan ako doon bumabati pa rin siyaa at nangangamusta! nakakatouch lang ng heart. :)

wait ulit. ang sweet ng co-intern ko. nagtext ng goodnight! aww... ako daw kasi ate niya sabi nung mga lalake =))

hay.. LIFE!!!!!! :)


Task#1: Day 1, Partridge in a Pear Tree!!
(laman niyan angry bird na umiilaw HAHAH!)

Task#2: Day 2, 2 Turtle Doves :D
(di ko alam ano laman! absent ako nung ginawa nila!)

Task #3: Day3, 3 French Hens :D

 Task #4: 4th day, 4 Calling Birds
(brownies and cookies!)
HAHA! wololong. Collaterals!!!! :) Magazines! :)

THIS. NEW RESTO?! KAPITOLYO REPRESENT!!!
AWWWYEEEAA!!!!! Sana masurap sir! ;)

Wednesday, December 7, 2011

Sausage Party? :)

Ano ba nangyari sa buhay ko? Madami. :) Ewan.. Magulo eh :)) Up and down naman kasi life ko! Haha!

Pero masaya naman! Puro kerengkeng lang! :))) de joke. EH kasii.. wala.. gusto ko magkwento kaso tinatamad ako :))

Started kanina sa Astoria! :) It was fine. It was good. Was assigned sa MarComm Department. Marketing and Communications. Was excited kasi nga I have co-interns daw.. PERO nagulat ako when I opened the door... PAK!! SAUSAGE PARTY! =)) lahat sila lalaki. Swear. Ako lang babae sa room na yon. Gademet! But okay lang! My co-interns are friendly! :) Shy pa ko eh. HAHA! Tatlo sila eh. Roi, Allen and someone.. didn't get the chance to know the someone cause he left earlyyy! :) blah blah blah.. Had lunch with them.. blah blah blah.. SAKIT NG PAA KO! Heels all day! That's how I roll! AWW YEAA!!! =))) pero serioso. Natawa nga co-interns ko eh.. kasi shet ilang beses kaming inutusan maghatid ng documents.. eh stairs all the way doon dahil yung elev for guests lang!!!! so fire exit kami dumadaan.. shet. di ko na talaga kaya.. nung pauwi na kami sabi ko "PWEDE KO BA HUBARIN SAPATOS KO????" walang pakundangan ako tumigil habang bumababa kami ng hagdan tapos hinubad ko sapatos ko! HAHAHAHAHAHA kingina. nagulat ata sila sa akin. wala akong paki. MASAKIT NA PAA KO PWEDE??? :)))) naka foot socks naman ako kaya keri lang maglakad :)) hayzt.

That's it pancit :)

HAPPINESS nanaman. Hello Baby Powder! :) heehee. Kerengkeng eh. HAHA!

K. Bye. Tamad na ko.

Tuesday, November 29, 2011

Tumaas ang aking.... KILAY!

Kelangan ko toh ilabas. NAKAKABUSET! :)) Teh, bat ka ganyan?? Hindi ka pa nakuntento eh kung tutuusin NAPAKASWERTE mo na. Ilang libong babae ang nagkakandarapa para lang mapansin niya tapos ikaw nagrereklamo pa? Imbis na mag inarte ka jan magpasalamat ka na lang!

Punieta umiinit talaga ulo ko =)) napakaselfish talaga eh.. Gusto kanya lahat! HINDI PWEDE YAN! Sinasabi ko sayo! =)) SUCH A BITCH! >:| Pareparehas lang tayo. Hindi porket pinansin ka niya angat ka na. Hindi rin dahilan yun para manlait ng ibang tao pag di mo nakuha gusto mo. INTIENDE??

MYGOODNESS! :)) Yoko na. :))

Kanina sobrang sama ng pakiramdam ko. GRABE lang. Kahapon din. Same time. Mga 3pm onwards. Ano meron saken? -_- tas pag gising ko wala na! Tas babalik ng mga 12am! :| huhu. Inaso eh. Haha. Since masama nga pakiramdam ko, natulog muna ako. Pahinga. NAK NG TOKWA OH! :)) Sobrang saya lang ng panaginip ko! :))

Ewan ko anong lugar yon :)) basta padating daw isang van na puno ng Ytube Artists :)) Ang nagddrive daw si J.Reyez... :)) edi sigaw kung sigaw ang drama ko! :)) naknampoocha yan oh, biglang tumigil. Nagsibabaan silang lahat :)) shempre di mawawala ang pinakamamahal kong si JOSEPH VINCENT! :)) Tinawag ko daw siya, namansin naman.. :)) tas lumapit ako at nagpapicture ng malupit :)) YAKAP KUNG YAKAP! NAGMISTULANG TUKO AKO EH! =))))) putek basta kung ano ano pang nangyare! :)) sobrang tili daw ako ng tili sa panaginip ko! :)))) tas pag gising ko, WALANGYA! Yakap yakap ko yung unan ko tas nakangiti ako! =)))) TAS NAREALIZE KO PANAGINIP LANG YON! GAGO PARA KONG TANGA NA NAGTANTRUMS SA KAMA! SERIOSO! =)))))))))) Kasi tangina sobrang saya ko dun sa panaginip ko nanghinayang ako nung narealize ko na PANAGINIP LANG LAHAT YON! =)))))))) HAHAHA! Yamot ako ehhh.. Serioso nag tantrums ako sa kama kanina :)))) Pero kemerloo!! :D shet! Ang tigas ng katawan niya! *kagat labi* WAHAHAHA :D sarap niya ihug kasi mas matangkad siya sa akin! :D heehee! ♥ ♥ ♥  Ano to adik adik nanaman ako? Hindi. HAHA!

Hay.. JV JV JV. Di ko papalampasin na mayakap ka sa totoong buhay pag dumating ka dito! PLANADO NA LAHAT! bwahahaha! Chos.

Yun lang. Baboo.

Sunday, November 27, 2011

The Meantime Girl

Nabasa ko to sa blog ng friend ko. Gusto ko lang din ishare :)


The Meantime Girl - click. Link :)


She`s the one you call when you`re bored because she makes you laugh. She`s the one you talk to when you`re feeling down because she`s willing to lend an ear and be a friend. She`s not the one you call when you need a date to your company`s Christmas party, or to go dancing with on a Saturday night. She`s the one you spend time with between girlfriends, before you find `The One`. You know, the one you keep in the MEANTIME.

She`s not one of the guys, not a tomboy, but you don`t look at her as a "real" woman, either. She`s not bitchy enough, moody enough, or sexy enough to be seen in the light. She`s too laid-back, too easily amused by the same things your male buddies are amused by. She`s too understanding, too comfortable. Doesn`t make you feel nervous or excited the way a `real` woman does. But she`s cool, nice and funny, and attractive enough that when you`re lonely and need intimate female companionship, she`ll do just fine.

You don`t have to wine and dine her because she knows the real you already, and you don`t have any facades to keep up, no pretense to preserve. You`re not trying to get anything of substance out of her. She`s not easy, but you know that she cares about you and is attracted to you. And you know that you don`t have to explain yourself or the situation, that she`ll be able to cope with the fact that this isn`t the beginning of a relationship or that there`s any possiblity that you have any real romantic feelings for her.

It won`t bother her that you`ll get up in the morning, put on your pants, say goodbye, and go on a date with the woman you`ve been mooning over for weeks who finally agreed to go out with you. She`ll settle for a goodbye hug and a promise to call her and tell her how the date went. She`s just so cool.. why can`t all women be like that?!

But deep down, if you really think about it (which you probably don`t.. because to you, the situation between the two of you isn`t important enough to merit any real thought) you know that it`s really not fair.

You know that although she would never say it, it hurts her to know that despite all her good points and all the fun you two have, you don`t think she`s good enough to spend any real time with. Sure, it`s mostly her fault, because she doesn`t have to give in to your needs - she could really play hard-to-get. Bitch like the rest of them do, if she really wanted to. But you and she both know that she probably couldn`t pull it off. Maybe she`s too short, or a little overweight, or has big birthmark on her forehead, or works at Taco Bell, or just really not that type.

Whatever the reason, somehow life has given her a lot of really great qualities but has left out the ones that men want (or think they want) in a woman. So she remains forever the funny friend, the steadfast companion, the secret lover, and you go on searching for your goddess who will somehow be everything you ever wanted in a woman.

You`ll joke to her that she should be the best man at your wedding, and she`ll laugh and make a joke about a smelly rental tux.

She doesn`t captivate you with her beauty, or open doors with her smile.

Mainly, she blends in with the crowd. She`s safe. She doesn`t want to be the center of attention and turn the heads of everyone in the room. But she wants to turn someone`s head. She wants to be SPECIAL to someone, too. We all do.

She has feelings. She has heart. In fact, she probably has a bigger heart than any woman you`ve ever known because she`s had a front-row seat to The Mess That Is Your Life, and she likes you anyway.

She obviously sees something worthwhile and redeeming in you because although you`ve given her nothing, absolutely no reason to still be around, she is. - Anonymous

Lola Bashang.

Eto na. Gabi nanaman. Tahimik. Tulog ang lahat. Sinasaniban nanaman ako.

Pano ba toh. Walang magawa eh. Wala na rin ako sa mood makipagusap sa mga tao. Haha. Blog na lang.

Hhmm.. Malungkot ako. Konti. Slight. Medjo. Pero iniintay ko talaga dumating ang araw na to kasi makakawala nanaman ako sa pig pen ko. Meeting para sa StraMa paper kanina. Late ako malamang. Ako to eh. FA Queen. Pero maniwala ka man o hindi, nahihiya talaga ako pag late ako. Pero lintek, hirap na talaga ako gumising ng maaga at matulog sa tamang oras.. tulad ngayon. Kitam. Haha.

Ayos pakiramdam ko kanina. Nakita ko mga kaibigan ko! :) Atleast may nakausap ako. Hindi yung kaharap ko yung laptop ko magdamag. Haha. Lintek. Wala namang may alam kung ano meron sa akin. Isang tao lang. Edi normal na gawain. Kwentuhan. Tawanan. Gaguhan. Mejo matagal ko din kasi sila di nakita. DAHIL DI AKO PUMASOK BUONG LINGGO! Ngayon lang talaga. Hahahaha. Petiks ako eh. Shet.

Magkkwento ako. Mahaba to. Bahala ka jan =)))

Pinuntahan namin ni M si A para kunin yung libro na hiniram namin. Sumilip ako sa room nila malamang. May nakita akong sumayaw sayaw. Binalewala ko. Kala ko baliw lang nilang kaklase. Di ko mahanap si A. Di ko alam ano nangyare pero may biglang lumapit, binuksan yung pinto at pinapasok kami sa room nila. Si D ata yon. Pero sabi namin ng kasama ko wag na. Ewan ko, nahihiya talaga ako pumasok sa room nila eh. TAPOS pag tapak ko ng room nila, naknampootah yan oh. Yung sumasayaw sayaw na nilalang, yung crush ko pala. Di ko nakilala. Bat ganon? Nawala kasi siya sa mundo ko. Di ko siya naramdaman. Wala, as in walang wala talagang paramdam. Kaya siguro di ko napansin. Edi yon. Pumasok na nga kami, swabe lang. Pangiti ngiti. Di ko pinansin si crush. Di ko tinignan. Di ko kinawayan. Wala akong imik. Parang stranger siya serioso. Hindi ko rin alam bakit. HAHA! Tapos si MEANGIRLMARX andun din pala!!!!! :)) natuwa ako :D edi batian galore. Hahaha. Tapos yun. Naupo na kami. Nagpalamig saglit. Si crush di ko pa rin iniimik. Tapos maya maya, bigla akong may narinig.. Shet yan.. sabi niya "Borbs!" sabi ko sa sarili ko... "SHET! si *insert name here* yun aah!" edi nilingon ko.. Ang sabe ng gago "penge naman akong chicks!" hindi ko na maalala sinsabi ko.. pero palagay ko ang sinabi ko "GAGO!" hahaha! Tapos blah blah blah... Umalis na kami sa room nila.

NEXT SCENE...

Big Martha's. Kumakain ako ng Chicken Curry tapos may dalawang pirasong Siomai din ako. HAHA! :D Normal lang ulit. Kasama ko pa rin si M. Biglang nag vibrate telepono ko. "SI AHUM NAGTEXT! HAHA!" sabi ko sa kasama ko.. Edi reply ako agad. Kerengkeng ako eh. Nagtatanong siya tungkol sa OJT. Tapos Nakakatawa. Kasi yung kaibigan ko nagtext na si AHUM daw asa ComPav. Tapos etong si AHUM tinext din sakin na nakita niya nga daw kaibigan ko. HAHA! Wala lang. Kelangan nirereport? :))) tapos text text text..

Ang isa pang nakakatawa... Una kasi, nagtatanong si AHUM kung may nagbebenta ng Internet Marketing book? sabi ko ako meron. Hiramin niya daw. Edi sabi ko sige! POTA KAHIT PANG BENTA KO YON! *kaching* naglaho ang salapi! =)) tapos malaman laman ko na itong napakagaling kong kaibigan ang nagsabi na may libro ako! Punieta. HAHA! natawa na lang kami eh. Pero okay lang... kahit nawala pangbenta kong libro :) =)))

THIRD SCENE...

Vertical Salon. Nanggulo as usual. The place to be talaga yon! :)) Feeling ko nga minsan nakakahiya na tumapak doon dahil ang peste namin sa kanila. Ang ingay. Puro kabalastugan. HAHAHA! Masaya ang lugar na yon! :) Lalo na si Ate Emerisa! :D Edi yan.. asaran as usual. Tas maya maya lumapit si Ate Emerisa sa akin.. sabi niya "bat ang lungkot mo?" tapos binalewala ko lang siya.. tuloy pa rin sa pang gagago. HAHA! Papalinis dapat ako ng nailz, kaso so many pipz! Lumayas na kami.

PANG APAT....

Aina's Place. Chillax mode. Sinamahan ko kaibigan ko sa dorm niya bago siya umalis. Humiga lang kami. Kwentuhan. Palipas oras. Ang bait ng kaibigan ko na yon. Alam mo bang pinagsstay niya ko don. As in inooffer niya yung dorm para tambayan ko. Maglaptop daw ako, nood movie, tulog hanggang mag5pm para sa class ko. Eh mga 2:30pm pa lang non. Kaso ayoko. Mamaya multuhin pa ko don eh. HAHA! Ayun. Umalis na din kami pag tapos.

FIF.... :)))

Botanical Garden. Nakigulo sa mga kaklase ko. HAHAHA! Tungena. kung ano ano lang napagusapan eh. MASAYA! :D Muntik ko pang malaglag kaibigan ko. Buti na lang hindi! :)) LAUGH TRIP! :)) Pero alam mo ba na may nakapansin din.. sabi niya "oh bat bigla kang nalungkot Borbs?" sa pagkakalala ko ang sabi ko "ha?" =))) di ko matandaan! Pero wala akong sinabi. Pag tapos makiepal sa grupo nila umalis na ko dahil klase ko na.

ZZZZZ....

St. Raymunds Bldg. Klase. GAGO. Nakakagago ang klase kanina. Unang araw. Akalain mo? Unang araw ng klase namin kanina na lang? :)) Nakakaewan. Yan tuloy ang sabaw ng katabi ko. Pero infairness napatawa niya ko ng malupit sa pagkasabaw niya ah =)) KAKAIBA! =)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

BAHAY.....

Paguwi ko. Wala tsikot namin. Tinanong ko kung asan sila. Umalis daw hinatid nila gelpren ng kapatid ko. SOSYAL!? Tapos tumakbo ako sa telepono, tinawagan ko tatay ko nagpabili ako ng MangDonalds kasi nagutom YATA ako. Inaso siya. Inaso tatay ko. HB. HAHAHA. Paguwi na lang daw. Tapos pag dating niya, MAS LALONG GALIT TATAY KO! =))))) nakakatawa. Irita siya sa kapatid ko eh. Ohwell. Kaya wala akong nagawa kundi magorder ng Mcdo. Nilibre ko na lang siya para kumalma! Ayon. Ayos na kami. SOLB!! :D

Sabi sayo mahaba to eh. Madaldal ako tonight. Wag ng mangialam. :)) Puro tawa ako kanina jusko. JUSKO! =)) Gago kasi si L! =))))))) hayzt.

Ay eto imba. Serioso ako dito. Walang halong biro o kung ano man. Tangina eh. Kanina sa BrandMa namin. INIISIP KO TETRIS! As in nakikita ko yung block na nalalaglag.. yung sound naririnig ko din sa imagination ko.. pati yung sound pag naclear mo yung isang line. Iniisip ko talaga ng malupet yung tetris. Tangina para akong nananaginip na ewan. Sobrang lutang ko na ewan. Bat ganon. Adik. Di naman ako nag drugs? :))

Hay... Antok na ko pero katamad pa matulog eh. Dami ko pang gustong idaldal pero puta ang non sense na nito. HAHA. Wala lang gusto ko lang magkwento. Wala kasi akong makausap. Minsan ganon  eh. Ang dami kong gusto idaldal pero ayoko makipagusap sa tao. Weirdo ko eh noh? Di ako sanay magdaldal as in yung malupit na daldal na harapan. Deins. Wag kang umasa sa akin non. Wala pa ata akong nadadaldalan ng malupet na harapan eh. Ewan ko. Di lang ako sanay.Tska di ako marunong magkwento ng live! PRAMIS =)) actually depende... Konting explain lang tas tapos na. Ayoko ng bonggang kwento. Dito lang ako sa blog ganon. Kaya ayoko rin piangkakalat to. Kasi ayoko lang! =)))) :D DI AKO SANAY!!! :)

Yun lang. Bored na ko dito. Bye. HAHAHAHAHAH! Ganyan ako karandom.

Friday, November 25, 2011

Kangkarot Life.

HAHA! Mga tambay lang kaming sawa sa babae... Oo, isa akong dakilang tambay, pero di ako sawa sa babae.. HAHAHA! Joke lang.

Batong bato na ko. Yamot na yamot na ko sa buhay ko dahil wala pa rin akong OJT :)) Tumatakbo ang oras, kinakabahan na ko men. Gusto ko na mag OJT :)) 300 hours pa hahabulin ko! :) Anak ng pating naman kasi yung ibang kumpanya, ayaw ng sched ko. Di wag. Haha. Di ko pipilit sarili ko sa inyo. Chos. Haha.

Kagabi, dilat nanaman ako.. Yung kaibigan ko na itago natin sa pangalang Marc biglang nagchat.. Kasi gets na namin kung bakit.. HAHA! Masaya. Masaya ang usapan namin. Puro kalokohan. HAHAHAHAHA! Naalala ko nanaman. Nakakatawa talaga. Gusto ko yung mga ganong kaibigan eh. Yung gago kung gago pero marunong mag serioso kung kelangan. :) Yung laging masaya. Haha. Gusto ko lang tumawa ng tumawa, lalo na ngayon kasi....... Thank you Marc! :D Hahaha! Namiss kita! :D Di uso bonding sa atin eh noh? :)) 

Ano ba. Wala pa din akong OJT. BAKIT. Hahaha. Sa kangkungan na talaga ko pupulutin neto eh. HAHA! Pero iniisip ko kung sa Rustan's pa din ako.. Siguro mas yamot ako :)))) Kasi ako lang magisa, ako lahat gagawa ng pinagagawa nila. YOKO NGA :)) joke :D Okay lang, yung mga kaibigan ko wala pa din naman eh :D Damayan lang yan! ;)

BORED talaga ako sa life ko kaya naisipan ko na lang mag blog. Napapaisp nanaman ako ng kung ano ano. Ewan ko. Sana tama lang talaga yung desishon ko. Para sa akin/amin din naman yon. HAHA. Tangina. Muntanga. Pero serioso to. Natatakot lang ako. Natatakot ako na baka magtuloy tuloy na ganto.. na walang pansinan :( Pero hindi. Hindi yan. Basta, pag okay na ko.. GORABELS! :)) Kaso, kelan yon?! TANGINA OH.

De actually, okay naman ako eh.. Tanggap ko na na wala na talaga.. PERO bakit pag may sumulpot jan sa tabi tabi.. ARAY? :( =)) hahaha. Serioso. Ano tawag mo saken? :)) Confused? Di ako confused. Okay lang talaga na SUPER MEGA CLOSE FRIENDS pero ayoko malaman na may ek ek siya :)) BAKIT GANON!!!!! :( Bitter? Hindi. Hindi ako bitter. Alam ko na... Baka SELOS! =))))))) Oo, palagay ko selos. PUTANGINA. Di naman kasi ako selosa, NGAYON LANG! charot. Haha. eeeehhhhwan :| HAHA! Pano ba ko wag mag selos. Pano ko gagawin na wag ma-ouch pag may ek ek.. :)) YUN LANG TALAGA YUNG DAPAT KONG MATUTUNAN! pambihirang buhay to oh. Kung alam mo kung pano, itext, itweet, ifacebook o iYM mo ko! :D mamahalin kita ng bongga! :))

Pahinga mode din ako kay JV :)) Wala lang.. sabi sayo panapanahon lang yan eh. Kiber kiber. 

Ayun lang. Ano pa ba. Yun lang naman. Yun lang naman nangyari sa buhay ko? :)) Saya diba? Wala na kong madaldal kaya tatapusin ko na lang to ng ganto. Bye.

Di pa pala. Wait. Muntanga talaga buhay eh. May panahon na ang saya saya mo pwede ka ng mamatay tapos may time na sobrang shit ng mundo gusto mo na magpakamatay. HAHAHA! Bat ganon. Kaya nga minsan gusto ko chill lang eh.. Steady.. Neutral.. Ayoko ng extremes. Kasi pag nasa taas ka na, wala ka ng ibang pupuntahan kundi pababa. Not unless sobrang galing mo na andun ka lang sa taas forever. Diba diba? :)) Tska problems are inevitable. CHAROT. Akalain mo alam ko yung word na yon :))) Parte yan ng buhay! kemerloo lang! :D KAKAYANIN SIR! :)

Saturday, November 12, 2011

Lately I've been winning battles left and right.. But even winners can get wounded in the fight.. People say that I'm amazing I never face retreat but they don't see inside of me I'm hiding all the tears.. They don't know that I come running home when I fall down :((( They don't know who picks me up when no one is around..... I drop my sword and cry for just awhile.... Cause deep inside this armour the warior is a child... :'((

Sad Stomach.

Sadness + hunger = MAJOR FAIL! :(

Malungkot ako, serioso to. Alam mo yung parang pag naglaro ka ng Angry Bird, nagpakawala ka ng ibon, sinukat mo na lahat ng angle pero sa kasamaang palad, YOU STILL MISSED THE TARGET. Sobrang ganyan nangyare sa araw ako eh.

I'm really looking forward to this day.. Wishing Lantern, Banchetto, Friends, Food and the famous 11.11.11 11:11pm but what happened? I celebrated it here in front of the computer, alone with an empty stomach.. and the hell, everybody is sleeping already!!! sweet!!!  That makes it sadder. It's really not about the wish or luck or whatever cause I don't really really believe it (yea, i do it for fun) but I am sad and disappointed and sad and..... disappointed and sad and..... yes.. Cause you know, I was not able to celebrate it with the people I treasure the most :'( You know, this is an epic thing.. This is the first time it ever happened.. tsk. It's sad.. really sad :( Very disappointing :'(

NAKAKALUNGKOT NG MALUPIT!!!!!!!!!!!! Hindi ko alam.. pero  nalungkot talaga ako. !@#$% TO THE MOON AND BACK!!!!!! >:(

The fuck!?HAHA! Ohwell.. Move on Charlene.. :) BUT!!! Guess what, it's not that bad after all!!! :) why?? Because someone uploaded his EARLY Christmas Present!!!! ♥ Happiness! :)


There ya go!!! :) Check it out! :) it's A W E S O M E!!!! :) JV's getting hotter and hotter every day =)))) I fckin swear! HAHA! I love him! :) And I'm kinda selfish when it comes to love :D HAHA! Naahh... :)

I do not own him! :) He's everyone's dreamboy! :) ..But I'm his only D R E A M  G I R L :) teehee! :P LOL.. kidding hahahaha :)


TOLD YOU! I LOVE HIM LIKE THAT! :D

Monday, November 7, 2011

w o w o w . . .

See, that's double WOW! :)) ya, k. Whatever. Haha.

Grabe. Mashado akong na o-overwhelm sa mga nangyayari sa buhay ko. Parang "R U FCKIN SERIOUS?!" hahaha. elel. Pero serioso, hindi ko alam.. Ano ba to? Ba't ganto? Totoo bang nangyayari lahat to? Ba't feeling ko  P A N A G I N I P  lang lahat? Kung panaginip lang to, pwede bang tampalin mo na ko lefen right ng malupit? Hahaha! Di talaga ako makapaniwala eh.. Lotsa good vibes coming and I'm  L O V I N G  every second of it!  :)

GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT.

Eto na ba yung inaasam asam ko dati? :) Kung eto na yon, S A L A M A T!!! Hahaha. Kung hindi pa, jusme.. Sige, paghahandaan ko! Dahil ngayon pa lang windang na ko! HAHAHA! chos.

Wala namang mashadong bago sa buhay ko. Lumang mga tao pa din nakakasalamuha ko araw araw. Ang nagiba lang siguro yung pananaw ko sa buhay. Lugmok talaga ako dati eh. SOBRA. Kung alam mo lang. Kaso napagod na ko sa ganong buhay. Nakakasawa na. Ayoko na balikan kasi ang hirap. Parang araw araw na lang struggle? DRAG ME TO HELL EH! hahaha. joke. Pero serioso. Ewan ko ba, ang problemado ko lang noon. Bored ako sa buhay ko. Galit ako sa mundo. Pero ngayon, masasabi kong OKAY NA KO basta walang PMS :)) Kasi isa pa yung kalaban ko eh. Wala ka ng magagawa sa attitude ko pag may pms ako, deal with it. HAHA!

Masaya ako. Sunod sunod yung mga magagandang bagay na nangyayare sa akin ngayon kaya hindi ako makapaniwala. Shit lang talaga. May mga tao akong naging close, iniisip ko bakit ngayon pa? Hindi ba too late? Pero siguro di ko pa malalaman ngayon kung bakit, pero im sure pag dating ng panahon malalaman ko din yan! :) May mga bagay din na natutunan ko ng tanggapin kaya siguro mas naging madali mabuhay. Nagkaron ako ng bagong mga inspirasyon! :) Ewan ko, pero palagay ko naging malaking tulong yon sakin eh. Alam mo na. Hahaha. Nabigyan ako ng second chance na akala ko mawawala pa sakin! Pero dahil sobrang bait ng Diyos, binigay niya sa akin yung second chance na yon ng buong buo. Yung mga maliliit kong pangarap, nagsisituparan na diiiin!!! Eh baka nga mamatay na ko sa sobrang tuwa eh! HAHAHA!

*pwedeng nawala nanaman ako sa tamang lagay dahil nagparamdam nanaman siya!!! HAHAHA! BALIW NA KO SAYO JV!!! ano ba yaaan!!! HAHAHA! Lilipas din to... Panapanahon lang yan!!!*

Going baaaaack!!!! :D Ayan, tulad ng mga ganyang bagay, sobrang sumasaya na ko! :) hahahah eh baka di ako masaya? baka LUKARET na ko? tingin mo? HAHAHA!

IT'S THE SIMPLE THINGS IN LIFE WE FORGET.

Korek ka jan!! Madalas kasi, nakakalimutan natin iappreciate yung maliliit na bagay. Nabubulag tayo sa mga bagay na kung iisipin mo talaga, wala namang kwents!! lamoyon? Feeling ko, feelingera ko eh, kelangan mo ng malupit na pagmumuni muni para matauhan ka eh. Kagaya nung nangyare sa akin. Gusto ko yung hindi pwede, eh puta ayon, windang ako! hahaha. Appreciate little things. Pasalamat ka buhay ka pa. Pasalamat ka kasama mo pa rin pamilya mo. Pasalamat ka NAKAKALAMON ka pa. Pasalamat ka may mga kaibigan kang karamay mo in ups, downs, left, right! Pasalamat ka na anjan pa din yung mga taong mahal mo. Pasalamat kang may internet. Pasalamat kang may laptop, cellphone at ipod ka pampalipas oras. Pero higit sa lahat, nagpapasalamat akong dumating si JOSEPH VINCENT SA BUHAY KO!!! AT nagawa ko pa talagang lumandi? KEMERLOOOO! Ba't ba? eh kung sa ganyang pangengerengkeng ako sumasaya eh! HAHAHAHA.

NANINIWALA BA KAYO SA SIGNS?

Ako kasi oo. Masaya naman eh. Haha. Pero in all fairness, nagkatotoo yung hiningi kong sign. Kasi sobrang lugmok ako sa Imbesment kong subject, kasi bobo ako sa Math. Tapos bago pa maglabasan ang grades, papunta kaming airport non ng tatay ko para sunduin ang mudra, sabi ko pag may nakita akong purple car papasa ako sa Investment. ANAK NG HUWALA EH, pag tingin ko sa kabilang lane, may purple car!!!! Pinanghawakan ko yun pre, jusko. Ayon, tae, gulat talaga ako na nakapasa ako eh! HAHA! :) TYL! :>

EH SA LAW OF ATTRACTION?

HAHA! Natutunan ko na siyang paniwalaan! :) Thank you sa friends kong nag introduce non sakin! Malaking tulong sobra! Sa totoo lang, dati weird siya sa akin.. Pero I tried, wala naman kasing mawawala sakin.. and yes, it turned out GREAT! :D Try it. It's fun!! Hahaha. Kasi nappractice yung pagiging positive mo sa bagay bagay at sa buhay! :)

"The Law of Attraction states: I attract to myself, whatever I give my focus, attention, or energy to." -AMEN.


PERO NARANASAN MO NA BA NA PANSININ KA NG CRUSH AT ULTIMATE CRUSH MO? ♥

hahahaha. Etong part na to may pagkakerengkeng! HAHAHA! katawa. shit. KASI ALL OUT CRUSH KO TALAGA SIYA!!! Kung kaibigan talaga kita, alam mo na dapat to pre! :)) oo, kung ano ano na lang sinasabi ko para lang mapansin niya ko.. HAHAHA! Eh yung kaibigan ko Supportive, itago natin sa pangalang Cez. HAHAHA! Ayun, napansin din. Sobrang saya ko lang eh! :)

Nung summer kasi, natuto ako mag youtube. Mejo nacurious ako kasi yung kaibigan ko, na itago natin sa pangalang Juvan, mayoutube na tao! Edi sinubukan ko, tutal wala namang magawa. PAK! Dun nag simula ang lahat eh. hahaha. Tapos hanggang sa nahumaling na ko. Adik adik na ko. Kung ano ano na pinapanood ko doon, gumawa pa ko ng account ko sa sobrang tuwa dahil nakakaaliw talaga! hahaha. Kung sino sinong tao na din nakilala ko dahil sa youtube na yan. Nakakatuwa sila :) gusto ko din gumawa ng mga kung ano anong bagay kasi parang ang saya! hhhmmm... haha! Tapos ayon nga, sa sobrang tuwa ko sa kanila, naisipan kong iadd sa facebook, nagulat ako kasi inaccept niya ako!!!! HAHA! tapos nung kelan lang magkausap kami ni Betty Go, sabi ko gusto ko kausapin. Eh ako pag ganyang tinotopak ako kahit anong pagawa mo sakin gagawin ko, edi ayun kinausap ko nga!!!!!!!!! ABA ATE, NAG REPLY! HAHAHAH! sobrang nagwala lahat ng lamang loob ko sa katawan!!!!! HAHAHA! nakakakilig. Sobrang baet niya eh! :) Humble pa. AYOS SILA!!! AYOS MGA TAO SA YOUTUBE! TAAS KAMAY! ;) LALO NA YUNG MGA PILIPINO! HANEP! :)

PERO HINDI LAHAT NG BAGAY SA MUNDO MASAYA.

Oo. May mga panahong nakakalungkot talaga. Di naman maiiwasan diba? Mga problema. Hindi naman malaki. Pero kahit na, matutulala ka na lang eh, lalo na pag anjan na. Parang shet, oonga pala, nag eexist ka. Nakakabother eh. Lalo na pag bored ka tas wala kang magawa? tangina eh, nag mistulang demonyo yung mga problema, sinasapian ka na lang bigla bigla. ALAM MO YON! Kaya ayon, natuto na lang akong aliwin sarili ko! :)) Nagpapaka adik ako sa kung ano anong, mas masaya pa. HAHA!

................

HAHA! random ba? Ganyan talaga. Sinusulat ko na lang kung anong mag pop sa utak ko tulad neto. haha! At dahil jan.. magshshare na lang ako ng kung ano ano! HAHAHA!


HAHA! Eto yung sinasabi ko kanina :)

we need some ♥ ♥ ♥ ... Second!!!!!

heehee! FIRST! :)

Peace. Love. Happiness.

Whateverrrr.

charotera eh.

Dami kong eklat sa buhay eh noh? HAHA! Pero oo, mahilig akong mag print screen ng kung ano ano :) hehe! Sentimental kasi ako. HAHAHAHA! konek? Wala akong magawa kahapon eh, kung ano ano na lang inedit ko.

Anong oras na, patay na! hahaha. FCKD UP BODY CLOCK! Goodluck sa pasukan! KEME! :)

Good night. Pero di pa ko matutulog. hahahaha :P

Saturday, November 5, 2011

Life In A Day 07.24.10

click!! :)

Elibs ako jan :) actually nakita ko trailer niyan nung summer, sabi ko sa sarili ko gusto ko yan panoorin.. kaya eto pinanood ko siya kanina kaso inaso ang connection kaya 56mins lang yung na load.. :( HAHA! malas. Pero maganda! magaling! kakaiba! :) galing ng utak ng nakaisip neto! akalain mo? iba't ibang storya ng buhay ng mga tao sa mundo napagsama niya sa isang movie, at ang isa pang nakakaelibs ay!!!! LAHAT YUN NANGYARI IN ONE DAY!!! Yes, JULY 24, 2010. isa siyang HENYO! hahaha! Kung alam ko lang to dati pa, edi sana nagsubmit din ako ng video ko? :) cool! haha! hhmm... ano kaya nangyari saken nung July 24 2010? will check my planner laterr! =))

Sobrang inspiring eh. Alam mo yon? Makikita mo buhay nila. Pero sobrang na touch ako dun sa batang lalaki na nag ttrabaho! yung tiga linis ng sapatos!! :( sobrang gusto ko siyang ihug!!!! HUHU! tas buhat niya pa yung thing.. oh Lord. nakakatouch ng heart! Di ko pa tapos yung movie eh! hahaha! so baka may mas nakakatouch pa.. but so far, yun pinaka peyborit ko! :) heehee!

TRY TO WATCH THIS!!! :) sobrang worth the wait! :D matagal kasi mag load! :)) and it's 1 hour and 30 something minutes. :)

basta di ko ma explain yung naffeel ko..

SOBRANG GALING LANG TALAGA! 

HANDS DOWN! 

AMEN!!!!

:) ♥

Friday, November 4, 2011

Wadup?


im bored. not in the mood to think. haha.

pictures na lang! :) hahaha!


 .................

 kemerloo? :)

 HARO!!! :D

meet my oinky friend!!! HAHA! :)

Thursday, November 3, 2011

No Title

Honestly, I'm having second thoughts about blogging because I don't want my life to be exposed. HAHA! para namang sikat ako? haha. no, it's just that I don't trust people easily and I am afraid of gossip girls! FCKYEATRUSTISSUES! :))

Anyway, I was thinking if I'm gonna make a new blog or not cause I reread my posts here and it's ashdjCRAPhjdaskjd! :))) Nakakatawa. Memablog lang talaga. But I decided to stick with this and soooooo this blog can be viewed publicly again! :D uhhh.. yes? :)) And umm... Ps, I don't drink coffee! :) heeehee.

So, you're probably wondering what pushed me to blog again? Hmm.. Kanina, I made one of the toughest decisions in life.. And that is to resign (as a student intern) in Rustan's or to stay. It was very spontaneous, I'm telling you. HAHA. Let me tell you the story... :)

Nag OJT hunting kami ng friend ko, si Mia tapos nakasalubong namin si Diana and si Tina somewhere in Gil Puyat Ave, pauwi na kami non actually, and they mentioned to us that they submitted their resume nga sa Rustan's. Since malapit lang yung Rustan's, we tried our luck. It was not part of the list. See, another spontaneous move there! Haha. So, we submitted our resume, the HR person told us to wait and so we waited tapos nagulat kami we were asked to take a written exam AGAD!! tas parang ako WHAT THE FCUK!!! okay, so we took the exam, we were given 40 mins to finish it TAPOS interview agad. OH MY GOODNESS. Everything happened SO FAST! tas they asked us to return the next day for our final interview and stuff. ..... Blah blah blah.... We (Charlene&Mia) were confused whether we'll go for it or not cause the job was clerical and we're assigned in the leasing department.... Blah blah blah... And then...

BAM!! I started last October 24, 2011 and resigned yesterday, November 2, 2011. HAHAHA! Ewan ko kung baliw ba ko o ano pero yung utak ko nung mga panahong yon ewan ko kung asang planeta ba! HAHA! Di ko pinagisipan ng husto! As in kung ano lang yung pinakamadali at pinakamabilis na paraan para okay na. HAHA! sobrang chill lang eh. But after spending like 3 days lang doon, I felt that I am not   h a p p y . . . 

Why? First, because my friend was wait listed and that really made me sad. Magkasama kami nag ojt hunting, nag pass ng resume, nag interview and all that shit tapos iiwan ko lang siya? Although she's having second thoughts din about the company cause yea... Yan tuloy, siya inayawan!! HAHA! Pero dapat talaga pasok din siya, I don't know what happened! Second, it's not related in Marketing. I was really bored there, I swear. HAHA. One hour was like one day!! No kidding :( HAHA. And I was assigned to answer phone calls. OH MY GOSH HATE NA HATE KO SUMAGOT NG TELEPONO O MAKIPAGUSAP SA TELEPONO! :)) They also told me that they got a complain from their client kasi nga barumbado ako makipagusap! HAHAHA. Joke. Yea, I really don't know how to answer phone calls in a formal way. Jusko. Alam mo yon? But hey, I know na how to photocopy like a pro! HAHAHAH! BEAT THAT!!! ;) I'm proud! :)))) And one more thing, they're asking me to put MAKE UP!!!! Yun pa lang torture na diba? HELL YEA! :))))) I mean, do I really need to put on make up? Why? What for? Eh wala namang ibang tao don, kami kami lang. I don't get it. Paki nila sa ichura ko? Andun lang naman ako para pagsilbihan sila tas magpapaganda pa ko? THE HELL! HAHAHAHA JOKE! :D Pero im not mad or anything, gusto ko lang talaga magets niyo yung point ko na I DON'T WANT TO PUT MAKE UP! Maganda na ko, para san pa yon? :) keme!!!! And that's the end of the the story! HAHAHA!

Realizations:

DO WHAT MAKES YOU  H A P P Y! :) - proven.

Cause how can you give your all when you don't want what you're doing. Lalo na kung labag sa loob mo. Wala, papatayin mo lang sarili mo. Forever hell ang drama. Happiness is a huge factor that I consider when doing something because I believe that when you're happy you can bring out the best in you! :) get my point? Parang you're willing to do everything kasi buong buo yung loob mo dun sa gagawin mo! :)

CHOOSY BA KO? 

Actually, my parents said na dun na lang ako, tiis tiis na lang daw. Eh. :( Shempre gusto ko yung best para sa sarili ko. Sino bang ayaw diba? PUSH IT! PUSH IT TO THE LIMIT!! :) yea, true, start from the bottom.. eh pano? forever ka na lang sa baba? FLY HIGH! :) Training nga eh. So give me a  r e a l training! hindi yung kangkarot training lang! :))

BELIEVE IN YOURSELF.

Amen.

DON'T SETTLE FOR ANYTHING LESS.

Another Amen! :))


...........






Aksheli, charotera lang ako! HAHA! Wag ka, kahit balahura ako, feeling ko may sense naman ang life ko! :) HAHAHA! We'll see... but for now I'll find someone like you! :))) joke. shit, sabi ko gagawin kong serioso tong post na to. Di ko kaya! HAHA! jusko.

PS, kung mababasa man to ng kasama ko kanina sa MRT, Hello! :) masaya ko okay tayo kanina! alam mo yan! Hehe! labyu shupaker! HAHA! ;)


KBYE! NIGHT! :)

Friday, May 13, 2011

Just When I Needed You Most :')


HAYZT! :')
Dahil kasagsagan ng ka-emo-han ko 
at dahil elibs ako sa boses niya.. AYAN! :)
HAHA! KEMS!
Sarap pakinggan!! :)

Wednesday, May 11, 2011

today = qwiwqjhsjkcsouw = blah

R E A L I Z A T I O N S .

FUCK MY LIFE.

Alam mo yung putangina shit talaga? Grabe talaga eh. Di ko na alam. ANO BA TO? Nakaka ogags.

HAYZT.

Buti na lang nakausap ko si Mona! Natawa ako sa katarantaduhan namin! HAHA! Alam mo yun? Nakakamiss sila! Siguro kasi pareparehas kameng mga gago, walang hiya, walang breeding, tarantado, NAME IT!!! :)) PROUD AKO BAKIT BA? :)) Eh sa ganun kami pag nagsama sama eh! HAHA! Mga trip na nakaka ewan talaga, kalokohang di ko alam pano idescribe, makatawa kala mo walang problema. Pero di porket gago kame, di na kami marunong magserioso. Ganun lang talaga, di naman masama magpakasaya eh? diba? At.. MARAMI AKONG NATUTUNAN SA KANILA TUNGKOL SA BUHAY MEN. Grabe, taas kamay! K. Enuff. SA KANILA DIN PALA AKO NATUTO UMINOM! :)) putanginang second year life yan!! WALANG PAKIALAMANAN BASTA MASAYA KAME! THE BEST talaga!!!!!!! MAKE UP CLASS @ ROOM 1611 nga daw eh!!! Alam mo yung may time na isang linggo kameng umiinom kasi lahat kami sawi? araw araw yun, straight isang linggo! HAHA! MASAYA PM LIFE! After class derecho inuman! :)) BAAANG! :)) Kaso wala na yun eh, naraid! pakingshit! :)) kaso ngayon.. Ayoko na ng alak. Depende, nakakaloko kase eh. Nawawala ako sa tamang pagiisip, nakaka emo pa! :))

Nakaka elibs sila eh. AMEN! :) Kaso saklap din ng buhay ko pagtapos nun eh. Kasi sabay nawala kasiyahan ko.. Hirap lang nun sobra. Literal na parang eroplanong nag crash landing buhay ko. Na debarred yung iba sa amin at nagkahiwawalay kame.. Kame ni Mona marketing, meron sa HR, yung isa CSB na, yung isa naman CEU, yung isa napuntang AB.. merong nangibang bansa.. kakalungkot grabe. Pero yung pinaka heart breaker talaga yung... TUGSH!! Sobrang windang na windang ako sa buhay ko nun kung alam mo lang talaga.. hirap na hirap ako! SHET? HAHA! Keme, laban lang! :)

Pero serioso, mejo malungkot ngayong mga araw na to.. HAHA! kingina. BAHALA NAAA! Sa private blog na lang ibang kemerloo ko! =)) HAHA!

Kagabi, bored ako so.. TADAH!! :) PAK! :)) inaso kase tong blogspot kagabi eh.


Hayst. Ewan ko na. Bahala na talaga si Lord. YOUR WILL BE DONE! AMEN! :)

Ps. Dahil inggit ako sa kapatid ko, bumili din ako ng Sauna Suit ko! para di kadiri na naghihiraman kame! Bonding kame eh, nagmall kame, nag "exercise" kame.. SWEET! hahaha! choss. Kase naman, yamot na yamot na ko sa life ko.. Nawawala mga kaibigan ko, di ko alam san ako pupunta. Kagago eh.

KBYE!

Sunday, May 8, 2011

Panaginip.

.....

The End.

HAHA. JOKE.

Nanaginip ako. Nakakatawa. :))))) Parang nagising pa nga ako eh, tas naka smile ako tas natatawa! pero tulog pa din utak ko. basta yun. Di ko matandaan sino kasama ko eh, basta alam ko may kasama akong babae.. Parang dalawa lang kami o tatlo.. Naglalakad kame, may training, nakita ko daw SIYA! :)) TAPOS, sobrang excited ko daw tinawag ko siya ng bonggang bongga! Pero ibang pangalan yung nasabi ko.. HAROLD daw! gets mo, kase ang intense na ng feeling ko.. :)) tas wala, tumingin saken mga tao pati siya.. natawa na lang daw sila :)) tas blah blah blah blah blah....... :))

Weirdo eh. FOREVER WEIRD MY DREAMS YOO KNOW! :)) sana nga gumawa ako ng journal tungkol sa mga panaginip ko eh :)) kasi sobrang TUGSH! :))

PERO, may isang dream ako na sobrang whoa tas feeling ko pwedeng totoong connected siya sa reality.. kase may signs.. :) at ang lakas talaga ng kutob ko. HAHAHA! K! Ayoko na ikwento here. BYE! :)) TSKA MAY ISA PA TALAGA, NABASA KO SOMEWHERE!!! shiiiiiit. AMEN TALAGA! :))

hay, ang boring.. nakaka utot.. zzz... :(

Saturday, May 7, 2011

Room Service :)


Yesterday, a miracle happened.. I became a supermodel! CHOS! :)) YES, I FIXED/CLEANED MY ROOM! :) Just like in the movie PS. I LOVE YOU, Holly had to remove Gerry's things in order to move on.. It's time baby, PS. ILY! :)) WEH. Joke. SINIPAG LANG AKO OKAY! :)) BUT, while i was doing my thaaaang, i got a text from SouljaGirl asking me to accompany her because blah blah blah.. and so, i had a quick shower, dressed up then *poof* i became coco crunch! haha! I left my room mezzy! cool ako eh! haha!

hhmm.. Had quality time with SouljaGirl! :) SLEEPY HEAD KA TALAGA! haha! joke. Sorry sa kurot! :( ganun lang talaga ako mag mahal! chos. oh, kalma lang kasee :( hehe! Di naman kase boring eh, di lang talaga tayo prepared! HAHA! weh. Pero you know, natuwa talaga ako kahit short time lang! :') seriously! drama amf. kahit nga umupo lang tayo sa couch, o tumambay sa washroom ng Shang hotel magdamag okay lang saken eh! basta katabi ka! ODI KAYA NAMAN MAG HANAP NG GIRLALOO NA AHUUMMMMMMM SA MEGA! HAHAHAHA! muntangerz eh! HAHA! THANK YOU!! :D

Going back!! Since my room was still a mess, i slept with my grandparents.. (matulog sa kwarto nila = AIRCON!!) SURAP BOY!! >:) Zooper hot yoo kno? Woke up early today to finish finish finish what i started! haha! No picturez, zorry! tapos yun na, puta, simula na ng napakaboring kong araw! pakshet talaga! :)) kaharap ko nanaman tong laptop ko! :))


  • Facebook.. Home, Profile, Home, Online Chat, Offline Chat, Home, Profile.. :))
  • Twitter.. nagiintay ng updates.. zzzz.. HAHA!
  • NAKAUSAP SI CHESBAMS! :) at nagulat sa kwento niya! :)) see you soon men! :">
  • Nilinis nails ni grannny! :)) cause im REALY bored like that! :))
  • at eto, online na ulit! pak.
KBYE! ZZZZ!

Tribute to Kate Balagtas =))


3:11pm
BAHAY KA LANG BA?
:))
POTA
YAMOT NA KO EH
CHAAAAAAR BORED DIN AKO WALA PA KO UNLI. HIRAP MAG COMBO LECHE

HUHU! buti pa si clare nasa pampanga.. si choco nasa zambales
</3
mahal na mahal kasi naten ang maynila leche
haha
sabe ko nga kay clare isama tayo sa pampanga eh.. oo daw, overnight!
HAHAHA
TARAAAAAAA =)))))))))

oonga eh, magseset siya ng date :> BAAHAHAA! may bahay naman sila eh!

sige sigeeeeeeeeeeeeeee hahaha

so di ka aalis?
HAHAHA
PUNTA KINA ***
HAHAHAHAH
e wala nga akong pera puta gusto ko pang mcdo o kaya jollibee HAHAHA

palibre ka sa ate mo gaga :))

wala sila. yaya kaya ako ngayon. leche tlga hahahaha

WEH?! ikaw lang tao jan? pati baby?

pati thea hahahah nag day off mga yaya nila e punieta HAHAHA

hahaha kawawa ka naman! di ko maimagine na nagaalaga ka ng bata
serioso
HAHA
buti nga tulog e hahahaha

gago ano ginagawa mo pag umiiyak?
BIGAT pa naman nun
HAHAHAHA
HAHAHAHA wala saksakan mo lang ng gatas yun tatahimik yun e hahahaha

SERIOSO!?!?!? :)))
kulet pota
HAHAHA
anong merienda mo? HAHAHAHA

POTA! natawa naman ako!
LOLA KA?
PWEDENG SNACKS?
HAHAHAHAHAHA
ARTE PA! HAHAHAHAHAHA

wala nga eh.. BISKWIT isguro.. boring.. ikaw?

biskwit amputa HAHAHAHAHAHAHAHHAA

HAHAHAHAH ARTE PA! ano gusto mo COOKIES?
:))
OO HAHAHAHAHAHA LECHE KAAAAAAAAAA HAYZT

natatawa ako sa usap naten kahit kelan.. tanga lang eh :))
ikaw ano ba merienda mo?
WALA. chichirya =))))))))))))))))))))))))))

PUTANGINANG BUHAY YAN! PATIWAKAL NA TAYO! HAHAHAHAHAHAHAHAHA
chichirya amf
TEKA GISING NA ALAGA KO PUCHA BRB

haha sige sige :)
pasakan mong DODO HAHAHAHA


HAHA! natatawa lang ako sa usapan namen eh.. may patutunguhan diba? HAHAHA! JOKE LANG! :)) Pero kahit ganyan yang kaibigan ko, mahal ko pa din yan! CHOS! HAHAHAHA! matuwa ka leche! yun lang.. SHARING! :)