Sunday, November 27, 2011

Lola Bashang.

Eto na. Gabi nanaman. Tahimik. Tulog ang lahat. Sinasaniban nanaman ako.

Pano ba toh. Walang magawa eh. Wala na rin ako sa mood makipagusap sa mga tao. Haha. Blog na lang.

Hhmm.. Malungkot ako. Konti. Slight. Medjo. Pero iniintay ko talaga dumating ang araw na to kasi makakawala nanaman ako sa pig pen ko. Meeting para sa StraMa paper kanina. Late ako malamang. Ako to eh. FA Queen. Pero maniwala ka man o hindi, nahihiya talaga ako pag late ako. Pero lintek, hirap na talaga ako gumising ng maaga at matulog sa tamang oras.. tulad ngayon. Kitam. Haha.

Ayos pakiramdam ko kanina. Nakita ko mga kaibigan ko! :) Atleast may nakausap ako. Hindi yung kaharap ko yung laptop ko magdamag. Haha. Lintek. Wala namang may alam kung ano meron sa akin. Isang tao lang. Edi normal na gawain. Kwentuhan. Tawanan. Gaguhan. Mejo matagal ko din kasi sila di nakita. DAHIL DI AKO PUMASOK BUONG LINGGO! Ngayon lang talaga. Hahahaha. Petiks ako eh. Shet.

Magkkwento ako. Mahaba to. Bahala ka jan =)))

Pinuntahan namin ni M si A para kunin yung libro na hiniram namin. Sumilip ako sa room nila malamang. May nakita akong sumayaw sayaw. Binalewala ko. Kala ko baliw lang nilang kaklase. Di ko mahanap si A. Di ko alam ano nangyare pero may biglang lumapit, binuksan yung pinto at pinapasok kami sa room nila. Si D ata yon. Pero sabi namin ng kasama ko wag na. Ewan ko, nahihiya talaga ako pumasok sa room nila eh. TAPOS pag tapak ko ng room nila, naknampootah yan oh. Yung sumasayaw sayaw na nilalang, yung crush ko pala. Di ko nakilala. Bat ganon? Nawala kasi siya sa mundo ko. Di ko siya naramdaman. Wala, as in walang wala talagang paramdam. Kaya siguro di ko napansin. Edi yon. Pumasok na nga kami, swabe lang. Pangiti ngiti. Di ko pinansin si crush. Di ko tinignan. Di ko kinawayan. Wala akong imik. Parang stranger siya serioso. Hindi ko rin alam bakit. HAHA! Tapos si MEANGIRLMARX andun din pala!!!!! :)) natuwa ako :D edi batian galore. Hahaha. Tapos yun. Naupo na kami. Nagpalamig saglit. Si crush di ko pa rin iniimik. Tapos maya maya, bigla akong may narinig.. Shet yan.. sabi niya "Borbs!" sabi ko sa sarili ko... "SHET! si *insert name here* yun aah!" edi nilingon ko.. Ang sabe ng gago "penge naman akong chicks!" hindi ko na maalala sinsabi ko.. pero palagay ko ang sinabi ko "GAGO!" hahaha! Tapos blah blah blah... Umalis na kami sa room nila.

NEXT SCENE...

Big Martha's. Kumakain ako ng Chicken Curry tapos may dalawang pirasong Siomai din ako. HAHA! :D Normal lang ulit. Kasama ko pa rin si M. Biglang nag vibrate telepono ko. "SI AHUM NAGTEXT! HAHA!" sabi ko sa kasama ko.. Edi reply ako agad. Kerengkeng ako eh. Nagtatanong siya tungkol sa OJT. Tapos Nakakatawa. Kasi yung kaibigan ko nagtext na si AHUM daw asa ComPav. Tapos etong si AHUM tinext din sakin na nakita niya nga daw kaibigan ko. HAHA! Wala lang. Kelangan nirereport? :))) tapos text text text..

Ang isa pang nakakatawa... Una kasi, nagtatanong si AHUM kung may nagbebenta ng Internet Marketing book? sabi ko ako meron. Hiramin niya daw. Edi sabi ko sige! POTA KAHIT PANG BENTA KO YON! *kaching* naglaho ang salapi! =)) tapos malaman laman ko na itong napakagaling kong kaibigan ang nagsabi na may libro ako! Punieta. HAHA! natawa na lang kami eh. Pero okay lang... kahit nawala pangbenta kong libro :) =)))

THIRD SCENE...

Vertical Salon. Nanggulo as usual. The place to be talaga yon! :)) Feeling ko nga minsan nakakahiya na tumapak doon dahil ang peste namin sa kanila. Ang ingay. Puro kabalastugan. HAHAHA! Masaya ang lugar na yon! :) Lalo na si Ate Emerisa! :D Edi yan.. asaran as usual. Tas maya maya lumapit si Ate Emerisa sa akin.. sabi niya "bat ang lungkot mo?" tapos binalewala ko lang siya.. tuloy pa rin sa pang gagago. HAHA! Papalinis dapat ako ng nailz, kaso so many pipz! Lumayas na kami.

PANG APAT....

Aina's Place. Chillax mode. Sinamahan ko kaibigan ko sa dorm niya bago siya umalis. Humiga lang kami. Kwentuhan. Palipas oras. Ang bait ng kaibigan ko na yon. Alam mo bang pinagsstay niya ko don. As in inooffer niya yung dorm para tambayan ko. Maglaptop daw ako, nood movie, tulog hanggang mag5pm para sa class ko. Eh mga 2:30pm pa lang non. Kaso ayoko. Mamaya multuhin pa ko don eh. HAHA! Ayun. Umalis na din kami pag tapos.

FIF.... :)))

Botanical Garden. Nakigulo sa mga kaklase ko. HAHAHA! Tungena. kung ano ano lang napagusapan eh. MASAYA! :D Muntik ko pang malaglag kaibigan ko. Buti na lang hindi! :)) LAUGH TRIP! :)) Pero alam mo ba na may nakapansin din.. sabi niya "oh bat bigla kang nalungkot Borbs?" sa pagkakalala ko ang sabi ko "ha?" =))) di ko matandaan! Pero wala akong sinabi. Pag tapos makiepal sa grupo nila umalis na ko dahil klase ko na.

ZZZZZ....

St. Raymunds Bldg. Klase. GAGO. Nakakagago ang klase kanina. Unang araw. Akalain mo? Unang araw ng klase namin kanina na lang? :)) Nakakaewan. Yan tuloy ang sabaw ng katabi ko. Pero infairness napatawa niya ko ng malupit sa pagkasabaw niya ah =)) KAKAIBA! =)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

BAHAY.....

Paguwi ko. Wala tsikot namin. Tinanong ko kung asan sila. Umalis daw hinatid nila gelpren ng kapatid ko. SOSYAL!? Tapos tumakbo ako sa telepono, tinawagan ko tatay ko nagpabili ako ng MangDonalds kasi nagutom YATA ako. Inaso siya. Inaso tatay ko. HB. HAHAHA. Paguwi na lang daw. Tapos pag dating niya, MAS LALONG GALIT TATAY KO! =))))) nakakatawa. Irita siya sa kapatid ko eh. Ohwell. Kaya wala akong nagawa kundi magorder ng Mcdo. Nilibre ko na lang siya para kumalma! Ayon. Ayos na kami. SOLB!! :D

Sabi sayo mahaba to eh. Madaldal ako tonight. Wag ng mangialam. :)) Puro tawa ako kanina jusko. JUSKO! =)) Gago kasi si L! =))))))) hayzt.

Ay eto imba. Serioso ako dito. Walang halong biro o kung ano man. Tangina eh. Kanina sa BrandMa namin. INIISIP KO TETRIS! As in nakikita ko yung block na nalalaglag.. yung sound naririnig ko din sa imagination ko.. pati yung sound pag naclear mo yung isang line. Iniisip ko talaga ng malupet yung tetris. Tangina para akong nananaginip na ewan. Sobrang lutang ko na ewan. Bat ganon. Adik. Di naman ako nag drugs? :))

Hay... Antok na ko pero katamad pa matulog eh. Dami ko pang gustong idaldal pero puta ang non sense na nito. HAHA. Wala lang gusto ko lang magkwento. Wala kasi akong makausap. Minsan ganon  eh. Ang dami kong gusto idaldal pero ayoko makipagusap sa tao. Weirdo ko eh noh? Di ako sanay magdaldal as in yung malupit na daldal na harapan. Deins. Wag kang umasa sa akin non. Wala pa ata akong nadadaldalan ng malupet na harapan eh. Ewan ko. Di lang ako sanay.Tska di ako marunong magkwento ng live! PRAMIS =)) actually depende... Konting explain lang tas tapos na. Ayoko ng bonggang kwento. Dito lang ako sa blog ganon. Kaya ayoko rin piangkakalat to. Kasi ayoko lang! =)))) :D DI AKO SANAY!!! :)

Yun lang. Bored na ko dito. Bye. HAHAHAHAHAH! Ganyan ako karandom.

No comments:

Post a Comment