Friday, December 23, 2011

Kasal.

Nakakatawa lang na ngayon ko lang napanopd ang Jolina Magdangal-Mark Escueta Wedding video sa ytube tas biglang hihirit tatay ko na "hiwalay na nga sila eh." Nagulat ako. Tinigil ko yung video eh. Sabay tingin sa date. Eh kelan ba sila kinasal? Bat hindi ko alam? sabi pa pala ng tatay ko "huli ka na sa balita!" may kasunod pang tawa yon. THANKS HUH! =)) tatay nga kita.

Pero sa totoo lang habang pinapanood ko yung video ng kasal nila natatakot ako, kinakabahan. Kaya din siguro ako nagblog kasi ang dami kong naiisip. Nakakakaba. Di ko maexplain kung anong kaba yung nararamdaman ko pero siguro kaba kung tamang lalaki ba mapapangasawa ko. Hindi ko nga alam kung sino eh. Pero kung tatanungin mo ko ano ang "dream wedding" ko wala pa kong masasagot ngayon. Hindi rin siya sumagi sa isip ko. Ngayon lang. Ewan ko din kung bakit eh :))

Pero ano nga kayang feeling pag ikakasal ka na. Ano feeling habang naglalakad ka papuntang altar? Talaga bang nakakaiyak? Eh pero pano mo ba talaga malalaman kung yung lalaking mahal mo ang talagang makakasama mo habang buhay. Mahirap sagutin. Pero sa ngayon.. Ilalagay ko muna yung mga gusto ko asawahin pati song sa kasal. HAHAHAHA BAM!!!! :D

Top 3 Songs
1. Ikaw Lamang



2. I Will



3. Marry Your Daughter



Top 3 Husbang :))
1. Joseph Vincent Encarnacion (ofcourse!)
2. SDRD (parang memory card lang!)
3. Si :) (tara sa Canada! HAHAHA! JK)


LIGHT BULB MOMENT!!!!

kasi noong highschool pa ko, nagsulat seatmate ko sa planner ko kung sino 1st boyfriend ko. HAHA! Kakatawa. Ang pangalan daw MARTIN! hhmmm... :)


Nasaan ka ba Martin? LABAS NA! :))) joke lang! muntanga. we'll see we'll see.. HAHA! pero gagawa muna ako ng Strama Rama paper! BYE! :)

1 comment: