Friday, December 16, 2011

Kill Joy?

Hi. Ako Borbs. HAHA!

natripan ko lang mag blog! parang lahat ng Thomasians nasa UST ngayon to celebrate Paskuhan.. but i chose to be different! :)) CHAROT! Home girl ako. Katamad na magpunta tska wala ako kasama! :)) im zow cool. But... Gusto ko talaga makita yung bonggang bonggang Pyromusical thing sa UST later.. Party Rock daw ang song eh! naiimagine ko! ang saya! parang nung sa EK lang siguro! :) :D

hhmm.. 3rd day ko kaanina sa OJT! :) Masaya!!! pero shy type pa rin ako. haha! what did we do ba? :)) conyo amp. Gumawa pa rin ng stuff for their Christmas thang :) sarap nung brownies eh! :)) Finally met G, another female intern and A! :) they're friendly and me likey!!! dami namin sa kakarampot na room eh :)) 6 interns and 5 bosses in one itsy bitsy tiny hotel room na ginawang opis :)) pero cool! funny. Im enjoying! :) PLUS!!! Sir A, my super duper boss, was absent! tas nagtext kay Sir J naa si R (my co-intern) will be Santa Claus for the day! LAUGH TRIP! :)) "Little Santa of Astoria" daw. Nasa lobby siya ng hotel from 6pm-7pm mamimigay ng candies!! :)) was not able to take a picture him! :))  24 hrs na ko sa OJT! YAS!!!

hhmm.. had a  mini kwentuhan kanina with Lola Borbs tas natawa siya sa akin! Kasi we were talking about World War 2 tas namention niya sugar cane.. sabi ko "yun yung ngina-nga-nga diba?" TINITIGAN NIYA KO TAPOS MEJO INIS YUNG MUKA TAPOS SABI NIYA PABULONG "ay gag......." HAHAHAHAHAHAHA TAS TAWANG TAWA AKO KASI ALAM KONG MALI AKO! tas natawa na din siya!! Tinanong ko kung ano ba yung NGA-NGA... inexplain niya di ko magets kasi tawang tawa ako sa reaction ng muka niya =))) pota! NGAT-NGAT daw... taas sabi ko "ay luya pala yung ngina-nga-nga" tae ambot mas lalo kaming natawa :)) funny family! :))

what else what else... :))

PASKUHAN!!!!! Fcking Paskuhan. joke. haha. No im not bitter. I don't know. I'm not gonna lie... But. I never enjoyed Paskuhan.. swear. 1st year kasama ko highschool friends ko! Okay lang. 2nd year, with my 2nd year friends naburat kami so we went to Bedroom na lang sa Eastwood! serioso mas masaya pa yung Eastwood part eh. Tas dumaan kami sa Q.Ave. Eh tong mga gago kong kaklase ubod ng gago, malamng Q.Ave daming pokies, tumigil kami, binaba bintana tas tinanong kung magkano sabay harurot ng koche! HAHA! tas kung ano ano nang napagusapan! talaba. tahong and other sea shells =)) 3rd year, ano ba nangyare? shet di ko maalala.. eto ata yung nagaway kami ni Carl ni Mona.. HAHAHA not sure. can't remember :)) shet. Kaya di rin ako nagpunta eh.. kasi feeling ko same lang din mangyayare. =)) Pero gusto ko talaga makita yung payrworkz! :))

BUT, another reason is.... Mashadong maganda ilaw sa UST, nakakalungkot. GETS MO!? :)) Nalulungkot ako sa ilaw ng UST pag gabi. Sobrang saya niya nalulungkot ako. PAULIT ULIT!? :)) EMO TIME NA SHET! :)))) ETO NA TO EH. Bumabalik yung masasayang araw ko. May ibang aura kasi sa akin yung UST pag sapit ng dilim. Parang sinasaniban ako ng kung anong nilalang jan sa gilid. hahaha! Pero serioso ako. Ewan ko. Marami akong naaalala. Kasi nga sobrang lupit nung pagkasaya ko nung 2nd year pm life ko tas biglang *poof* nawala. Iba epekto ng gabi sa akin sa UST eh. Di ko alam pano iexplain. Pero shet na malupet! NOON KASI, PAG GABI NA SA UST, ANG DAMING NANGYAYARE SA BUHAY KO NA MEMORABLE :D Kaya pinili ko na din wag magpunta kasi di ko kayang harapin ang reality na wala na yung mga yon. Lalo na pag dumadaan ako sa 1611. NAKNAMPOOCHAA YAN OH! Dating inumaan naging PANADERIAA! akalain mo!? HAHAHAHAHA! Dun ko kasi nakabonding ng malupet friends ko. TAPOS! Eto hayop to, dun ko kaasi nakaholding hands ultimate cruush kong lalake! PAK!!!!! =)) pasabog yon. sikreto na lang kung sino. ANG DRAAMA PA NUNG MOMENT NAA YON DAHIL PAAUWI NA SIYAA! PAKSHET! PERO SIYA TALAAGA YUNG NAAUNA EH! tapos asjdhkjasdhi3owqhda k bye. enuf. :)))

see. that's my reason for this season! :)) kbye. natatae na ko. tugsh.

pero wait. light bulb moment. Nakakatawa lang na wala na yung 1611 inumaan pero yung mga taong nakasalamuha ko sa lugar na yon andito pa rin kaso iba na takbo ng buhay ng baawat isa. except kay kuya kendi! nagtitinda pa rin siya sa tabi ng 1611 at nakakatuwa lang na pag dumadaan ako doon bumabati pa rin siyaa at nangangamusta! nakakatouch lang ng heart. :)

wait ulit. ang sweet ng co-intern ko. nagtext ng goodnight! aww... ako daw kasi ate niya sabi nung mga lalake =))

hay.. LIFE!!!!!! :)


Task#1: Day 1, Partridge in a Pear Tree!!
(laman niyan angry bird na umiilaw HAHAH!)

Task#2: Day 2, 2 Turtle Doves :D
(di ko alam ano laman! absent ako nung ginawa nila!)

Task #3: Day3, 3 French Hens :D

 Task #4: 4th day, 4 Calling Birds
(brownies and cookies!)
HAHA! wololong. Collaterals!!!! :) Magazines! :)

THIS. NEW RESTO?! KAPITOLYO REPRESENT!!!
AWWWYEEEAA!!!!! Sana masurap sir! ;)

No comments:

Post a Comment