Merong isang nilalang sa kabilang dulo... Tahimik lang ako dahil bago ang lahat... Nangangapa, nakikiramdam... Bago magsimula, kailangan muna magdasal tapos sabay sabay uupo ang lahat... Hindi ko alam kung bakit ako napapatingin sa kanya, at siya napapatingin din hanggang sa nagtititigan kami tapos merong iiwas... Hindi naman matagal ang titigan, sandali lang pero madalas itong nauulit hanggang sa dumating yung araw na bigla kong naisip na...
GUSTO KO NA YATA SIYA.
Walang may alam... Pero di ko talaga maiwasan na wag siyang tignan tuwing natatapos ang dasal... At siya ganun din... Hindi ko alam kung bakit...
Nagkakilala na kami. Naging magkaibigan... Ang saya saya ko, nakakausap ko na siya at naglolokohan na kami... Ginagawa ko lahat para itago yung nararamdaman ko... KINIKILIG AKO!
Nabanggit ko sa isa kong kaibigan na gusto ko "siya"... Tinawanan lang ako ng kaibigan ko kasi abnormal daw "siya"... Natotoo naman! HAHAHA. Makulit siya, ang daming kalokohan tapos nakakatawa kaya ko nagustuhan... Lagi niya kong napapasaya, hindi niya alam...
Presentation na sa class... Kinailangan kong sabihin yung linya ko... Mahaba yun, english pa... Kabado ako kasi di ako sanay sa ganon... Naririnig ko kaibigan niya sinisigaw pangalan niya... Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya... Nakatingin siya sa akin!!!! Natawa ako at nagpatuloy sa pagsasalita... :)
Isang araw, nalaman ko na may girlfriend pala siya at matagal na sila... Di ako nasaktan kasi crush ko lang naman siya... Hindi rin ako nangamba... Normal pa rin, GUSTO KO PA RIN SIYA... Tuloy ang tawanan, gaguhan, kulitan at kwentuhan...
Hanggang sa dumating yung araw na nagbreak sila ng girlfriend niya... Nagyaya siya uminom... Unang beses niya magyaya at sumama sa inom naming magkakaibigan... WASAK EH. Hanggang sa napadalas ang pag inom...
Hindi ko alam pero iba talaga epekto ng alak eh... Aalis na daw siya... Nakatingin lang ako sa kanya... Nakaputing tshirt, pantalon, nakasapatos na itim, may suot na dog tag at may dalang bag... Nagpapaalam na siya sa mga kaibigan ko, nagaantay akong mag paalam siya sa akin... Ayan na, sa akin na siya magpapaalam!!!!
Nakipag apir siya... Edi inabot ko kamay ko... tapos bigla niyang sinara kamay niya habang hawak kamay ko... Nung aalisin niya na kamay niya, ako naman humawak sa kamay niya... ANG LAMBOT, ANG LAMBOT NG KAMAY NIYA! AYAW KO NA TALAGA BITAWAN!! Tapos huling paalam na... Umalis na siya.
Pag uwi ko sa bahay namamatay na ko sa kilig. Kung anong kilig ko noon, ganun pa din ngayon kapag naaalala ko... WALANG KUPAS BRADER!!!!!
Bigla siyang nag chat, nagulat ako... Nagpapasama bumili ng sumbrero... Kaso di ko masamahan... Sayang!! Tapos napanaginipan ko siya... Hindi ko alam kung anong lugar yon pero malawak na field tas may dala kaming koche... Magkayakap daw kami... Sobrang saya ko lang non... Ayoko na magising.
Nagchat girlfriend niya... Ang dami kong nalaman...
Nagkabalikan na sila ng girlfriend niya. Masaya ako para sa kanila. Pero hindi na kami naguusap at hindi na niya sinasabi sa akin mga sikreto niya... Siguro dahil nalaman niyang naguusap kami ng girlfriend niya... Sayang.
Kamusta na kaya siya. Nakakamiss lahat sa kanya. Iba eh. :)
#BlackMelody
#BabyBoy
#BlackMelody
#BabyBoy
No comments:
Post a Comment