Hello Blog!! Charot. HAHA. Matagal tagal ko ng hindi na uupdate. Kasi... di ako bored sa buhay ko nung mga nakaraang araw... mukang ngayon na lang ulit! :))
Ano ba? Ang dami ng nangyare eh! Nagpunta na ko ng Palawan at Baler. MASAYA... :D Lalo na sa Baler dahil kaibigan kasama ko at na experience ko na din mag SURFING! Kabog. Akalain mo nakatayo ako!!! im zew proud. hahaha! keme. Literal na parang nasa loob ka ng washing machine eh. Ganyan ko dinedescribe sa mga tao yung feeling, kasi ganun naman talaga kahit di pa ko nakakapasok ng wesheng meshen. :)))) paikot ikot ka... nadadala ka ng waaaaves... SURAP SIR!!! :D tapos naiwan ko din ang puso ko sa Baler... HAHAHAHAHAHA! Naging pedo for 2 days ata... :)) tawang tawa lang ako na pati kapatid ng kaibigan ko pinatulan ko na din.. Pero trip trip lang naman.. What happens in Baler, alam mo na.. ;)
Nandito din ang makukulit kong pinsan kaya di ako bored. HAHA. Nakakapagod, minsan nakakairita kase di ko magawa yung mga gusto ko dahil nagiging yaya ako! pero okay lang.. enjoy naman eh :) Madalas din kami mapadpad jan kung san san... :) at gusto ko din yun kasi di ako naka tangga dito sa bahay!!! may thrill din kaso puyat lagi... keme :))
Nagpunta din kami sa bahay ng kaibigan ko sa Bulacan! HAHA! nakakabitin nga lang! Sana maulit! :)
Nagbonding din ako kasama tatlo kong kaklase. Nanood ng American Pie, kumain sa Mister Kebab at uminom :)) Masaya. The mouth that got away.
Pero ang pinaka kinabog ako eh yung tungkol sa ex ng kapatid ko... Ramdam ko yung sakit na pinagdadaanan niya ngayon kasi "naranasan" ko yun... Yung iiwan ka dahil merong iba... SHUTANGINABEKS!!!! =)) Ewan ko solid eh. At yun din ang dahilan kung bakit ko naisipan mag blog... para maibahagi ko ang saloobin ko. CHAROT HAHAHA
Ayun. Kanina bumisita siya dahil nga sa kuyang kong injured!!! Nadislocate ang braso niya dahil pumatay ng ipis.. :)) NAKAKATAWA TALAGA! SHUNGA EH! Pero di rin biro yun kasi nakita ko yung sakit na naramdaman niya at kinabahan din ako!!!!!! :| Pero maayos na siya.. nabalik na din! :) So ayun na nga, bumisita si ex dito... blah blah blah...
Naaawa ako sa kanya kasi first boyfriend niya kuya ko... Alam ko yung pakiramdam na masaktan... Dahil nag mahal din ako at "iniwan"... (PERO CHAROT NA IWAN LANG YUN KASI DI NAMAN KAMI HAHAHAHAHAHAHA MINAHAL KO LANG SIYA TALAGA) Maski tatay ko naawa sa kanya eh... Di ko alam pero yung simpatya ko nasa kanya...
Pero alam ko makakaya niya yun, pero hindi pa ngayon... Totoong panahon lang katapat niyan at shempre yung mga taong nakapalibot sa kanya... :)
May mga bagay kasi talagang dumadating sa buhay natin na hindi naman permanente o kaya iba yung dahilan kung bakit sila anjan... Oo papasayahin ka nila, pakikiligin, pero darating yung oras na paluluhain ka din... At sa pagluha mo malalaman mo na malaki ang mundo at hindi lang sa kanya umiikot ang lahat... :) Parte lang siya ng napakalaking mundong ginagalawan mo at hindi naman ito titigil kapag nawala siya...
Parang... Nung nangyare kasi sa akin yun, yung na down ako ng bongga... Narealize ko after na oonga, may ibang tao pa namang makapagpapasaya sa akin... :) at yun yung mga kaibigan ko... na mas okay kase ibang klaseng pagmamahal... parang na divert yung love ko sa kanila... uhhmm... pano ba to...
Iba kasi yung LOVE as in LOVE sa LOVE as in FRIENDSHIP... Ngayon narealize ko na mas masaya yung LOVE na FRIENDSHIP kasi casual lang... Parang totoo ngang complicated ang LOVE na LOVE pero depende din naman yun sa couple...
HAY!!! Ewan ko na... :))) Basta mahal ko lahat ng taong nakakapagpasaya sa akin... Kasi ito yung ginusto ko dati... Na bumalik yung happiness sa buhay ko na thankful naman ako at nakamit ko! :D
Ready na ko mag mahal ulit! HAHAHAHAHA READY NA KO MAGPAKATANGA ULIT! READY NA KO MAGPULOT NG WASAK NA PUSO! GAGO ASA!!! HAHAHAHAHA Basta masaya ako sa buhay ko ngayon... at nagpapasalamat ako sa Panginoon! AMEN!!! :D
Pero pinaka ready talaga ko na TUMANGGAP NG TRABAHO EH! HAHAHAHA! YUN YON EH! :))))))
sabi nga ni Vice... "Grab every c h a n c e . . . "
Gusto ko din yung sinabi nung Mika na "Kainin mo kung ano ang nakahain."
SOBRANG TUMPAK YUN!!!!! :D
Di ko na alam kung pano ko tatapusin to......
I love you Joseph Vincent! =))))
BYE! :)
No comments:
Post a Comment