Thursday, May 31, 2012

I WANNA TRAVEL THE WOOOORLD!!!!!!!!!

sajkhdjksahd

:) :D

SOMEDAY...   SOMEDAY! :)

Wednesday, May 30, 2012

Tangina this.

Tignan mo... Sabay sabihin mo...

TANGINA THIS! - Friend.


Hahahahahahahaha. TAWANG TAWA LANG AKO! :)

Mejo emotional talaga kapag birthday eh noh? Bakit nga ba? :| Pero masaya ako na malungkot na naguguluhan.

Bahala na.

22 na ko. PAK!!!

Sunday, May 20, 2012

More Fun in Baler, 2012

Sabang Beach, Baler

Friends :)

HAHA! HAVING FUN! :)

LIFE! :)



:)

US again :))

Rocky! :( But twas veeery nice :)

Surf's Up!! :)

awwwyeaaa! :) SURAP SIR!!! :))) Forreal! :)

All Boys! :))

Wackiness!!

WATALAYP!

Ang bilis ng buhay....

Noon puro birthday party lang pinupuntahan... Hanggang sa naging debut... Tapos ngayon KASAL AT BINYAGAN na... Ang bilis, nahuhuli na ko!! Kailangan ko na makahanap ng iibigan na pang habang buhay! charot! Pero TRUE! :))

Bahala na... Go with the flow na lang!!! :)


Saturday, May 19, 2012

Throw back Saturday!! :)


Merong isang nilalang sa kabilang dulo... Tahimik lang ako dahil bago ang lahat... Nangangapa, nakikiramdam... Bago magsimula, kailangan muna magdasal tapos sabay sabay uupo ang lahat... Hindi ko alam kung bakit ako napapatingin sa kanya, at siya napapatingin din hanggang sa nagtititigan kami tapos merong iiwas... Hindi naman matagal ang titigan, sandali lang pero madalas itong nauulit hanggang sa dumating yung araw na bigla kong naisip na...

GUSTO KO NA YATA SIYA.

Walang may alam... Pero di ko talaga maiwasan na wag siyang tignan tuwing natatapos ang dasal... At siya ganun din... Hindi ko alam kung bakit... 

Nagkakilala na kami. Naging magkaibigan... Ang saya saya ko, nakakausap ko na siya at naglolokohan na kami... Ginagawa ko lahat para itago yung nararamdaman ko... KINIKILIG AKO! 

Nabanggit ko sa isa kong kaibigan na gusto ko "siya"... Tinawanan lang ako ng kaibigan ko kasi abnormal daw "siya"... Natotoo naman! HAHAHA. Makulit siya, ang daming kalokohan tapos nakakatawa kaya ko nagustuhan... Lagi niya kong napapasaya, hindi niya alam...

Presentation na sa class... Kinailangan kong sabihin yung linya ko... Mahaba yun, english pa... Kabado ako kasi di ako sanay sa ganon... Naririnig ko kaibigan niya sinisigaw pangalan niya... Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya... Nakatingin siya sa akin!!!! Natawa ako at nagpatuloy sa pagsasalita... :)

Isang araw, nalaman ko na may girlfriend pala siya at matagal na sila... Di ako nasaktan kasi crush ko lang naman siya... Hindi rin ako nangamba... Normal pa rin, GUSTO KO PA RIN SIYA... Tuloy ang tawanan, gaguhan, kulitan at kwentuhan... 

Hanggang sa dumating yung araw na nagbreak sila ng girlfriend niya... Nagyaya siya uminom... Unang beses niya magyaya at sumama sa inom naming magkakaibigan... WASAK EH. Hanggang sa napadalas ang pag inom...

Hindi ko alam pero iba talaga epekto ng alak eh... Aalis na daw siya... Nakatingin lang ako sa kanya... Nakaputing tshirt, pantalon, nakasapatos na itim, may suot na dog tag at may dalang bag... Nagpapaalam na siya sa mga kaibigan ko, nagaantay akong mag paalam siya sa akin... Ayan na, sa akin na siya magpapaalam!!!!

Nakipag apir siya... Edi inabot ko kamay ko... tapos bigla niyang sinara kamay niya habang hawak kamay ko... Nung aalisin niya na kamay niya, ako naman humawak sa kamay niya... ANG LAMBOT, ANG LAMBOT NG KAMAY NIYA! AYAW KO NA TALAGA BITAWAN!! Tapos huling paalam na... Umalis na siya.

Pag uwi ko sa bahay namamatay na ko sa kilig. Kung anong kilig ko noon, ganun pa din ngayon kapag naaalala ko... WALANG KUPAS BRADER!!!!!

Bigla siyang nag chat, nagulat ako... Nagpapasama bumili ng sumbrero... Kaso di ko masamahan... Sayang!!  Tapos napanaginipan ko siya... Hindi ko alam kung anong lugar yon pero malawak na field tas may dala kaming koche... Magkayakap daw kami... Sobrang saya ko lang non... Ayoko na magising.

Nagchat girlfriend niya... Ang dami kong nalaman... 

Nagkabalikan na sila ng girlfriend niya. Masaya ako para sa kanila. Pero hindi na kami naguusap at hindi na niya sinasabi sa akin mga sikreto niya... Siguro dahil nalaman niyang naguusap kami ng girlfriend niya... Sayang.

Kamusta na kaya siya. Nakakamiss lahat sa kanya. Iba eh. :)


#BlackMelody
#BabyBoy

Monday, May 14, 2012

TUMPAK!!!

Hello Blog!! Charot. HAHA. Matagal tagal ko ng hindi na uupdate. Kasi... di ako bored sa buhay ko nung mga nakaraang araw... mukang ngayon na lang ulit! :))

Ano ba? Ang dami ng nangyare eh! Nagpunta na ko ng Palawan at Baler. MASAYA... :D Lalo na sa Baler dahil kaibigan kasama ko at na experience ko na din mag SURFING! Kabog. Akalain mo nakatayo ako!!! im zew proud. hahaha! keme. Literal na parang nasa loob ka ng washing machine eh. Ganyan ko dinedescribe sa mga tao yung feeling, kasi ganun naman talaga kahit di pa ko nakakapasok ng wesheng meshen. :)))) paikot ikot ka... nadadala ka ng waaaaves... SURAP SIR!!! :D tapos naiwan ko din ang puso ko sa Baler... HAHAHAHAHAHA! Naging pedo for 2 days ata... :)) tawang tawa lang ako na pati kapatid ng kaibigan ko pinatulan ko na din.. Pero trip trip lang naman.. What happens in Baler, alam mo na.. ;)

Nandito din ang makukulit kong pinsan kaya di ako bored. HAHA. Nakakapagod, minsan nakakairita kase di ko magawa yung mga gusto ko dahil nagiging yaya ako! pero okay lang.. enjoy naman eh :) Madalas din kami mapadpad jan kung san san... :) at gusto ko din yun kasi di ako naka tangga dito sa bahay!!! may thrill din kaso puyat lagi... keme :))

Nagpunta din kami sa bahay ng kaibigan ko sa Bulacan! HAHA! nakakabitin nga lang! Sana maulit! :)

Nagbonding din ako kasama tatlo kong kaklase. Nanood ng American Pie, kumain sa Mister Kebab at uminom :)) Masaya. The mouth that got away.

Pero ang pinaka kinabog ako eh yung tungkol sa ex ng kapatid ko... Ramdam ko yung sakit na pinagdadaanan niya ngayon kasi "naranasan" ko yun... Yung iiwan ka dahil merong iba... SHUTANGINABEKS!!!! =)) Ewan ko solid eh. At yun din ang dahilan kung bakit ko naisipan mag blog... para maibahagi ko ang saloobin ko. CHAROT HAHAHA

Ayun. Kanina bumisita siya dahil nga sa kuyang kong injured!!! Nadislocate ang braso niya dahil pumatay ng ipis.. :)) NAKAKATAWA TALAGA! SHUNGA EH! Pero di rin biro yun kasi nakita ko yung sakit na naramdaman niya at kinabahan din ako!!!!!! :| Pero maayos na siya.. nabalik na din! :) So ayun na nga, bumisita si ex dito... blah blah blah...

Naaawa ako sa kanya kasi first boyfriend niya kuya ko... Alam ko yung pakiramdam na masaktan... Dahil nag mahal din ako at "iniwan"... (PERO CHAROT NA IWAN LANG YUN KASI DI NAMAN KAMI HAHAHAHAHAHAHA MINAHAL KO LANG SIYA TALAGA) Maski tatay ko naawa sa kanya eh... Di ko alam pero yung simpatya ko nasa kanya...

Pero alam ko makakaya niya yun, pero hindi pa ngayon... Totoong panahon lang katapat niyan at shempre yung mga taong nakapalibot sa kanya... :)

May mga bagay kasi talagang dumadating sa buhay natin na hindi naman permanente o kaya iba yung dahilan kung bakit sila anjan... Oo papasayahin ka nila, pakikiligin, pero darating yung oras na paluluhain ka din... At sa pagluha mo malalaman mo na malaki ang mundo at hindi lang sa kanya umiikot ang lahat... :) Parte lang siya ng napakalaking mundong ginagalawan mo at hindi naman ito titigil kapag nawala siya...

Parang... Nung nangyare kasi sa akin yun, yung na down ako ng bongga... Narealize ko after na oonga, may ibang tao pa namang makapagpapasaya sa akin... :) at yun yung mga kaibigan ko... na mas okay kase ibang klaseng pagmamahal... parang na divert yung love ko sa kanila... uhhmm... pano ba to...

Iba kasi yung LOVE as in LOVE sa LOVE as in FRIENDSHIP... Ngayon narealize ko na mas masaya yung LOVE na FRIENDSHIP kasi casual lang... Parang totoo ngang complicated ang LOVE na LOVE pero depende din naman yun sa couple...

HAY!!! Ewan ko na... :))) Basta mahal ko lahat ng taong nakakapagpasaya sa akin... Kasi ito yung ginusto ko dati... Na bumalik yung happiness sa buhay ko na thankful naman ako at nakamit ko! :D

Ready na ko mag mahal ulit! HAHAHAHAHA READY NA KO MAGPAKATANGA ULIT! READY NA KO MAGPULOT NG WASAK NA PUSO! GAGO ASA!!! HAHAHAHAHA Basta masaya ako sa buhay ko ngayon... at nagpapasalamat ako sa Panginoon! AMEN!!! :D

Pero pinaka ready talaga ko na TUMANGGAP NG TRABAHO EH! HAHAHAHA! YUN YON EH! :))))))


sabi nga ni Vice... "Grab every c h a n c e . . . "

Gusto ko din yung sinabi nung Mika na "Kainin mo kung ano ang nakahain."

SOBRANG TUMPAK YUN!!!!! :D

Di ko na alam kung pano ko tatapusin to......

I love you Joseph Vincent! =))))

BYE! :)

Monday, March 12, 2012

Nakakatakot. Masaya. Iyak. Tawa.

Napaisip ako... WRONG MOVE YUNG GINAWA KO!!!!!! HAHAHAHAHA! Putragis. Pero ohwell :)

ANYWAYYYY.... :)


"Masarap naman ma in love eh, sa tamang tao." - Borbs, 2012.


Mejo proud ako jan! tinweet ko pa nga yan eh! HAHAHA! Ewan ko ba kung pano ko yan naisip, basta isang araw bigla na lang yan nag pop sa utak ko. Pwede na ba kong maging Bob Ong? Pero ang gusto kong alias ay "Borbsilog" Pero parang nakakaduwal eh. HAHA.

Totoo naman eh, masarap ma in lab sa tamang tao. Parang walang kwenta naman kung yung pagmamahal mo mapupunta lang sa wala. Pero ang tanong kasi diyan, PANO MO BA MALALAMAN KUNG SA TAMANG TAO MO INAALAY PAGMAMAHAL MO? Ambot. Wala akong alam sa ganyan. Basta pag tumibok na, ayun na yun! =)) Puso tol, puso. Shempre utak din, bawal tatanga tanga sa mundo ngayon. Alam mo na dapat yun.

Pero kasi pag in lab ka, tanga ka din? Anlabo eh noh? HAHA! Bulag sa pagibig? Ewan. Pero sa totoo lang natatakot ako.......... magmahal. Kasi mahirap masaktan! Pwede bang mag mahal na hindi nasasaktan? Siguro, kung matinong tao mapupunta sayo. Pero iilan na lang ba ang matinong nilalang dito sa mundo? Kakarampot na lang! HAHAHA! punieta. Yung akala mong matino, eh gago din pala. Kaya natatakot ako eh, lalo na sa lalaki. Kasi ang dami ko ng naririnig na kwento. At natutunan ko na din paniwalaan ang sabi ng kaibigan ko....

"Kahit gano pa katino yan, gagawa at gagawa rin yan ng kalokohan..."

Nung una ayoko maniwala, kasi I firmly believe that there are still good people here on Earth! charot. Pero naniniwala pa din naman ako. May doubt nga lang. Ayokong maniwala na lahat ng lalaki parepareho. Gusto kong mapatunayan na sa isang daang lalake, meron pa ring isang matino na tatratuhin ka kung pano ka dapat tratuhin. At kung sino yon? Hindi ko alam. SANA MAPUNTA SIYA SAKIN! HAHAHAHAHAHA! Tangina. Ano to? Natatawa ako sa sarili ko.

Di ko alam, tingin mo matino akong nilalang? >:))) WAHAHAHA! Palagay ko naman matino ako. Gago nga lang. So ibig sabihin ba non di ako matino? =)) SELF CHECK AMP!!!

Pero may mga gago namang matino. HAHAHA! PAGTATANGGOL KO SARILI KO PAKYU! :)))) Naniniwala akong matino ako, pero malakas lang talaga ako mang gago ng ibang tao. Trip trip kumbaga. Pampadagdag ng aliw sa buhay. Sama ko ba? Ano to? Kelangan laging mabaet? :)) Oo, mahilig ako mang gago. Mang asar. Pero at the end of the day, joke time lang lahat yun! :)) MASAYA KAYA MANG GAGO! TRY MO! >:)) Lalo na pag yung ginagago mo eh kagago gago naman talaga! Sarap hampasin ng kaldero! HAHAHAHAHA! JOKE.

....................

Kaburat buhay. Ba't ganto? WALANG MAGAWA! Nagiintay na lang ako ng listahan ng gagraduweyt eh! Sana naman makita ko pangalan ko! JUSKO! Handang handa na ko rumampa! =)) Pero ayoko pa iwan ang YU-ES-TEE. Kakaiba. Kakaiba buhay kolehiyo. Namulat ako sa iba't ibang bagay eh.

ALAM MO YON!? SHYET!

Pero mamimiss ko talaga yung mga pagkain sa UST eh. HAHA! Inuna ko talaga yung pagkain kesa sa mga tao. HAHAHA! MAMIMISS KO LAHAT!!!! :) Lalo na mga Crush ko... Yung seriosong Crush ah :)) At pag sinabi kong Crush, yung pang matagalan. Dahil pag seriosong Crush kita, mejo LOYAL ako. HAHA! Buong college life ko sa DALAWANG lalake lang naman ako nagkagusto ng malupit! :)) At naging kaibigan ko din sila. MASAYA! :) Ewan ko kung may hahabol pang pangatlo, ibblog ko na lang ditowww! =)))

Pero infairness sa dalawang crush ko na yun. Ay jusko. AMBOT! :)) yung isa don 4years, yung isa 3 years kong crush! HAHAHA! toljaboi, pang long term mga crush ko. Yung iba kangkarot crush lang. Seasonal kumbaga :))) 

Pero pag nagkacrush ako, di naman ako yung stalker na patay na patay! =)) Basta natutuwa lang ako na anjan sila. Masaya ako pag kausap ko sila. Pero di ko sila hinahabol. MUNTANGA! :)) di ako adik. Makausap ko lang sila masaya na ko! :)) Buti na lang mga kaibigan ko! PAK! hemzowlucky! :))

..............................

Tapos ano na next topic? WALA NA KONG MADALDAL! :)) Gusto ko mag post ng pictures with blockmates. Kaso punieta, maghahalungkat pa ko. KATAMAD MYGED!!!!!! 

Eto na laaang! :))

If you're happy and you know it...... RAAAAHHH!!! =)))

SKEMPERTUSH! :)

Unang pekchor! :))

pakyut! pero cute naman talaga! WAHAHAHA! banat pa?

My very good friend, J! :) Wala lang. Binisita niya lang ako. Nameste. Nakigamit ng internet. Nakitulog. HAHAHAHAHA! Pero joke lang. Mahal ko yan! :) Marami na kaming pinagsamahan niyan! Mabasa niya kaya to? Ewan ko lang! HAHAHAHA! :)



EKEY! BABAYOO! :)

Thursday, March 8, 2012

Cheberloo.

HAHAHA! ang dami dami dami dami kong kwento!!!!! :D Saya saya ko nanaman! THANK YOU LORD! :)

Tapos na ko sa OJT. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero parang hindi eh.. Kasi gusto ko doon! Masaya doon! Andun si Crush.. HAHA! MALAMIG din doon! huhuhu. Isa yun sa mamimiss ko... yung naka aircon ka magdamag! puniemas! :( HAHA! 

Grabe. Natatawa ako sa mga boss ko! Tawag nila sa akin "Ms.Charlene Borbs!" o kaya naman "Borbs!". Natutuwa ako! :) Wala lang! Super duper mega bait ng mga boss ko! Mamimiss ko sila sobra!!! :( 

Eh tapos kamusta naman yung :"> FCK! kinikilig ako!!!!!! :)) magkatapat kami ni AHUM ng table... Tapos may ginagawa siya tapos biglang nawala yung ginagawa niya, kasi may nangyare sa computer niya... Edi nag mura siya, napatingin ako malamang, as in nakatitig ako sa kanya.. putangina, tapos tumingin din siya sakin, as in MATA SA MATA kami, tapos tinuro niya ko! TANGS!!!! :))))) etong katabi ko naman, siniko ako! LOST NA LOST AKO! Di ko alam kung bakit niya ko tinuro... pero puta, SOBRANG sheeeeeeeet...... lumutang ako ng ilang minutes :"> kilig grabe! hangover.... =))))))

Ang dami kong ek ek moments ngayon! Dalaga na yata ako! CHOS!!! suntukan muna oh!? :))) jewk.

Ewan ko ba, saya saya ng mundo! Ganto ba talaga pag mga kaibigan mo late bloomers? HAHA! joke lang. gusto ko mag kwento! ang dami kong kkwento! pero tinatamad ako kasi wala din naman makakagets! :)))))) Will post pictures na laaaaang!! :D

02.21.2012
Watched The Vow with Mia, Mau, Cezar and RJ! :) 
Laughtrip sa koche ni Cezar eh :))))) may nabuong pamilya! :))

03.06.2012
Watched Jack and Jill with them Latebloomers! :)) Movie Buddies?
Gerry's Grill after then Tides to meet M2 Friends! :) A very spontaneous night! :)

Picture with The Bosses! and co-interns! :)
WILL MISS EVERYBODYYYY!!! :(( </3
No picture with Sir Arnold and Sir John! :|

Khaye! :) My sister from another mother! :)
Laughtrip lagi with this giiiiirl! SWEAR! :)

Khaye, Jenny, Joy and Borbs

Haha! Sir Joms at the baaack! ;)

Don't you think we're thuper cute? HAHA! jk.

Charm's Grad Dinner! Congrats! First one to graduate! :)


Thursday, February 16, 2012

When cupid aimed his arrow on me.. He missed by a hundred thousand feet...

"When cupid aimed his arrow on me.. He missed by a hundred thousand feet... 
This ain't a song about love, it's actually the opposite I'm thinking of... 
I need love, I need you.. I need you to say I Love You.." - THIS.




EMOTIONAL AKO TONIGHT! :)) Wala lang... Akala ko kami na, yun pala may babalikan pa... HAHAHAHAHAHA! CHOS LANG! :))




Bored lang ako.. naisip ko mag update ng blog :)




Strong ako eh. Bahala na kung anong mangyari :) Go with the flow na lang! :)) Pero magiging mejo memorable to! Kasi walang nakakaalam! =)) Can you keep a secret? :> jk =)) Sinong confused? =)))))) PUTRAGIS! yoko ng mga ganto eh :))




SHET BIGLA AKONG NASTRESS SA ODDS! 2100php DOWN! BOOM! :))



........zzz...........



basta alam ko masaya ako! :D Happy happy joy joy! :)) siguro kasi may mga bagong tao sa buhay ko :) eh mejo yun din naman yung gusto ko before.. Distractions! :) we'll see we'll see! :)

Friday, February 3, 2012

Happiness! :)

H A P P I N E S S :)

Found happiness again! :)

New chapter. Amazing people.

Will blog soon!

Bogart Wakanadudu likes this!

Thursday, January 26, 2012

Jirits.

I have this tendency to really HATE people cause of their attitude and stuff. THE FOCK LANG!

Maybe this is really THE END.

AND once I start to HATE you.. I WILL HATE YOU FOREVER! Ganon ako eh.. Sige lang sa una kaya pa, pasensiya.. Tiis tiis.. Pero pag no hope na, *NA*O! :)) shet lang eh.

Madali naman makisama pag yung pinapakisamahan mo okay! LECHE!

Wednesday, January 25, 2012

bilbil.

Feel ko lang magblog. Ba't ganon? Kapag malungkot ako, kumakain ako. Kapag masaya ako, kumakain pa din ako. BAKIT? :)) Tumataba nanaman daw ako! RAMDAM KO DIN! :)) shet yan.. Sumisikip nanaman mga damit ko, at mas ramdam ko lalo mga bilbil ko! ANOBEY! :))

hhmm.. Im a happy kid! WHY? Secret. :))) Masaya lang ako! Di ko alam kung anong reason o kung sino.. Maybe my friends.. Maybe yung kalagayan ng buhay ko ngayon.. o baka dahil busog lang talaga ako? :)))) You know, ang pagkain may dalang milagro sa buhay ko eh! :))

Maraming nangyari. Daming kerengkeng moments ang naganap pero trip trip lang lahat! :)) Pero di ko talaga makalimutan yung PRESS ROUNDS! :) Nag enjoy ako! Kasi nakalabas ako ng office! "Field Work" nga daw sabi ni Sir A.. at may libreng lunch at dinner pa plus overtime at its finest! :)) Kamusta naman yung feeling ko ako si Bea Alonzo at si Sir Crush si JohnLloyd Cruz? KAPAL NG PEZ! :)) maka Bea at JL ako dito yun pala KC-PIOLO?! EKSAHERADA! =)))

Nakuha ko na Graduashen pikchoor ko! :) kamusta naman yung JESSICA SOHO ang peg ko?! =)))))))) BWAHAHAHA! kingina.

Hmm.. mukang ewan din yung mga tukso tukso na yan eh. Alam mo kung bakit? Yung iba kasi mashadong finifeel! Feelingero ampoots. Kaasar lang. :))))) BOY, KALMA LANG! :)))))

K. Tamad na ko! :)) bye! :)

TBC! :)

Thursday, January 12, 2012

Ang tipo kong lalake........ Maginoo pero mejo.... =))

KELANGAN KO TONG ILABAS! HAHAHAH! SOBRANG SAYA KO NANAMAN! SOBRANG KILIG KO NANAMAN! BAKIT? :)))))))

Kasi crash ko isa kong boss.. Noong kelan ko lang naman napagtanto na crash ko siya dahil natitigan ko siya ng matagal at naisip ko na "uy, gwapo to aaahhhh!!! PWEDE!!!" at nabighani din ako sa ganda ng boses niya  kapag kumakanta! :"> HAHAHA! Tapos isang araw, bigla ko na lang nasabi sa co-interns ko na "uy gumagwapo si Sir J aahh.." HAHAHA! Tapos doon na nagsimula ang lahat... :)

Kanina.. Maaga ako dumating! :)) pag pasok ko una kong tinignan table niya pero wala siya.. Pero nakita ko bag niya sa chair niya so sa isip isip ko nasa CR lang siya.. HAHA! edi keme keme lang upo upo lang basa basa ng newspaper! Tapos lumabas na ng CR edi bantay sarado ako! :)) TAPOS YUN NA SIYA OH.. LUMABAS NA! Ang haba ng hair ng lola mo, kapal ng muka kong sabihin to pero NAPASECOND LOOK SIYA SA AKIN! =))))))) HAHAHAHAHAH! JUSKO! ALAM MO YUNG FEELING! GANDA KO LANG SOBRA! NAKALUGAY PA BUHOK KO! HAHAHAHA! tapos kilig na kilig na ko oh.. :))

Ang nakakatawa pa, pag naguutos si ser, grabe lang makakalabit mga kasama ko eh! Alam mo yung natatawa na lang ako tas di ko na magawa yung utos dahil pigil na pigil yung tawa at kilig ko? ALAM MO YUNG FEELING??? PUNIETA! =))))) LOST AKO!

Tapos eto na.. Nagutos na siya! edi ALERT ako! ALERT KUNG ALERT! :)))))) Tindig ako agad nung narinig ko boses niya eh... Ganto kasi yan.. Yung printer na black and white nasa baba ng table ni Sir Crush.. Yung colored nasa may table ni Sir S...

Sir Crush: pwedeng favor?
Borbs: Sir ano yun? :)
Sir Crush: pwedeng 120 na legal?
Borbs: Sir ilan? :)
Grizelle: sampu daw!!
Borbs: *nakangiti habang nagbibilang ng papel* san to? (as in kung san ko ilalagay..)
Grizelle: Sa colored..
Borbs: sa colored? *inayos ko yung papel.. tapos naglakad ako papuntang table ni sir Crush.. Inaayos ko pa rin yung mga papel tapos nung ipapasok ko yung papel sa printer narealize ko hindi pala doon dapat! dahil black and white printer yun*
Grizelle: HUY SA COLORED!
Borbs: AY OONGA PALA! *umalis na tawang tawa pero nagpipigil pa rin ako sabay tingin kay Grizelle*
Grizelle: *nagtatakip ng dyaryo sa muka para di nakikitang tumatawa* SABIK KA EH NOH?
Borbs, Grizelle, Joy, Khaye: HAHAHAHAHAHAHA!

HAHAHAHAHAHA PUTANG INA! ewan ko ba! ANG LUTANG KO LANG! LOST IN LOVE! :"> heehee. laughtrip eh! dami pang nangyare eh :)))) katawa lang eh! Tas after lunch break.. bumalik na sila nakasalamin na si sir. bwakanangfakers!!!! MAS LALONG GWAPO! HAAAYYY... :">

Ayun lang saya saya lang! tas nung uwian kasi sabay sabay sila.. ako lang naiba ng way.. tas nagbye na ko! sabi niya "Bye! Ingat!" ohmaygad! naglalakad ako pauwi ng nakangiti!!!!!! =))))))))) BALIW AMP!

yun lang. k bye :)))

Sunday, January 8, 2012

WALA AKONG MAGAWA! :))

hello! bonjour! buenas dias! Haha. Kanta yan eh. Basta may tono.. pero yan lang alam ko.. kakaibang lenguahe na kasi kasunod tapos may konichiwa pa! :))

Di ko araw to. Baduy eh. Di man lang ako humalakhak. Im mejo sorta kinda may pagka down tedey. I jont know why.

Sana managinip ako. Tulad ng mga panaginip ko dati. Yung masaya! Yung kilig! Peklat oh! Wala eh. di ko maalala mga panaginip ko lately. Dati grabe. Araw araw tiba tiba ako eh :))

hhmm.. FYI.. Random lang.. Alam mo ba, ayaw ko makipagusap sa mga lalaking may girlfriend.. yung tipong kahit gaguhan lang. HAHA! Feeling ko kasi sasabihin ng mga tao malanding nilalang ako.. =)) kaya di ko sila kinakausap! Kinakausap ko lang yung mga bored na taong tulad ko dito sa mundo.. para kwits lang.. diba? :)) Pero pag single na yung tao, HALA BIRA NA! wala ng pero pero! =)) pero joke lang talaga. :)))) siguro kasi ayoko rin nakakakita ng babaeng close na close sa lalaking nakatali na.. ANG PANGET EH! Kung bestfriends kayo since egg at sperm cell pa lang kayo why not? :)) Parang lumabas ata pagka selosa ko at pagka possessive? Pero totoo naman kasi, ewan ko.. Pero para sa akin kasi ang panget lang na pag may girlfriend yung lalake, tas may babae siyang kausap LAGI... Okay lang yung minsan, pero pag lagi.. ANO, LABASAN NA LANG NG BILBIL OH!! :)) keme! :)

yun lang! random shit lang. antok na ko pero katamad matulog! ZZZZ!

Friday, January 6, 2012

Sigurado ka ba?

Basta malaman kong magiging okay ang lahat.. Kung may mapapala ba ko.. Kung may mangyayari ba.. Kung masaya ba yon.. BAKIT HINDI?

Dahil ayoko magsayang ng oras sa mga bagay na walang kwenta.

Madali akong mawalan ng gana sa mga bagay bagay. Serioso. Madali din magbago mood ko. Kaya habang okay pa ko, namnamin mo na.. Dahil pag ako yamot na.. WALA NA! putragis.

Hindi ko alam kung napapansin to ng mga taong nakapaligid sa akin. Malalaman mo kung gusto ko yung mga taong kasama ko o ayaw ko. Kung kampante ba ko sa kanila o hindi. Dahil sasama o papayag lang ako sayo AGAD kung gusto ko talaga o kung okay ako sa mga kasama ko. Ayokong mag mukang ewan. Ayokong gumawa ng isang bagay kung di ako sigurado at labag sa loob ko.

BASTA BIGYAN MO NA LANG AKO NG KASIGURADUHAN NA MAGIGING OKAY ANG LAHAT PAPAYAG AKO. GAGAWIN KO. BUONG PUSO PA YAN!

Dahil kung hindi.. sinasabi ko sayo.. Wala kang mapapala sakin. Dahil pag ayaw ko, ayaw ko. Attitude kung attitude. Pero di mo ko mapapagawa ng bagay na ayaw ko talaga.

Saturday, December 31, 2011

Goodbye. Hello.

This year is GREAT! :) Met new people, had new experiences, Boracay, made a mistake, new crushes, day dreamed, laughed, loved, cried, got mad, KINILIG, JOSEPH VINCENT, made a decision, 11-11-11, 4M2, LUMAMON, The Dreamlapse Project, Dseo, S.Yoshimoto, C.Nishizu, LOS ANGELES, SEVENTEEN, YOUTUBE, Willy Wonka, Melona etc.. Too many to mention. I don't want to enumerate everything! :)) But I want to thank EVERYBODY, GOD, MY FAMILY, MY FRIENDS for being part of my 2011. Without you, all these wouldn't be possible! HAHA! charot.

I want to share with you my wishlist for 2012! :) (RANDOM!!)
1. Watch Joseph Vincent's show/concert LIVE! FRONT ROW! VIP! ;)
2. Visit El Nido again.. 
3. Go back to Boracay with my friends :)
4. HAVE AN AWESOME JOB! awwyeaahhh!!! $__$ 
5. Go to HongKong (with family or friends!)
6. Go to Singapore (with family or friends!)
7. Have a copy of JV's CD/Mixtape
8. JV Headphone
9. JV Shirt
10. Visit an orphanage (Tagaytay or Tayuman)
11. Graduate on March 26, 2011
12. Start my own restaurant
13. Manage our Pension House in Palawan
14. Special Someone :)
15. Brazilian Wax (HAHAHAHAHAHAHA! FCK!)
16. Go to Los Angeles, California USA (haha! kemerlu eklavuuuu!)
17. Go Para-sailing
18. ROADTRIP!!!!!!!
19. Save ----php a month (hhmmm)
20. ADVENTURE! visit a new place or something.. TRAVEL TRAVEL TRAVEL!
21. LOOSE WEIGHT :)))))
22. Culinary Class
23. Treat my parents somewhere! :) (thank you gift!)
24. Post a VLOG on Youtube :)
25. Marry your daughter! Make her my wife. HAHAHAHA! JOKE :)
26. Kiss a girl so I would know if I'll like it =))))))
27. Make someone happy.. HAHA! kengene.
28. have my own credit card -_-
29. CASINO!!!!!!! kaching kaching!!!! 
30. Live like there's no tomorrow!!!!!!!!!!!! :D
31. Learn how to driiive and own a car! ;)
32. EUROTRIIIP!!!! :)

 That's all I can think of right naww. Mejo parang bucket list na to eh :)) whatever! THIS IS MY GAME PLAN! GAME FACE ON! HAHAHAHAH! LABO! BYEEEE!!!

HAPPY NEW YEAR!!!!!!!! THANK YOU LORD FOR EVERYTHING! :') I LOVE YOU!!!!! :)

Friday, December 23, 2011

Kasal.

Nakakatawa lang na ngayon ko lang napanopd ang Jolina Magdangal-Mark Escueta Wedding video sa ytube tas biglang hihirit tatay ko na "hiwalay na nga sila eh." Nagulat ako. Tinigil ko yung video eh. Sabay tingin sa date. Eh kelan ba sila kinasal? Bat hindi ko alam? sabi pa pala ng tatay ko "huli ka na sa balita!" may kasunod pang tawa yon. THANKS HUH! =)) tatay nga kita.

Pero sa totoo lang habang pinapanood ko yung video ng kasal nila natatakot ako, kinakabahan. Kaya din siguro ako nagblog kasi ang dami kong naiisip. Nakakakaba. Di ko maexplain kung anong kaba yung nararamdaman ko pero siguro kaba kung tamang lalaki ba mapapangasawa ko. Hindi ko nga alam kung sino eh. Pero kung tatanungin mo ko ano ang "dream wedding" ko wala pa kong masasagot ngayon. Hindi rin siya sumagi sa isip ko. Ngayon lang. Ewan ko din kung bakit eh :))

Pero ano nga kayang feeling pag ikakasal ka na. Ano feeling habang naglalakad ka papuntang altar? Talaga bang nakakaiyak? Eh pero pano mo ba talaga malalaman kung yung lalaking mahal mo ang talagang makakasama mo habang buhay. Mahirap sagutin. Pero sa ngayon.. Ilalagay ko muna yung mga gusto ko asawahin pati song sa kasal. HAHAHAHA BAM!!!! :D

Top 3 Songs
1. Ikaw Lamang



2. I Will



3. Marry Your Daughter



Top 3 Husbang :))
1. Joseph Vincent Encarnacion (ofcourse!)
2. SDRD (parang memory card lang!)
3. Si :) (tara sa Canada! HAHAHA! JK)


LIGHT BULB MOMENT!!!!

kasi noong highschool pa ko, nagsulat seatmate ko sa planner ko kung sino 1st boyfriend ko. HAHA! Kakatawa. Ang pangalan daw MARTIN! hhmmm... :)


Nasaan ka ba Martin? LABAS NA! :))) joke lang! muntanga. we'll see we'll see.. HAHA! pero gagawa muna ako ng Strama Rama paper! BYE! :)

Friday, December 16, 2011

Kill Joy?

Hi. Ako Borbs. HAHA!

natripan ko lang mag blog! parang lahat ng Thomasians nasa UST ngayon to celebrate Paskuhan.. but i chose to be different! :)) CHAROT! Home girl ako. Katamad na magpunta tska wala ako kasama! :)) im zow cool. But... Gusto ko talaga makita yung bonggang bonggang Pyromusical thing sa UST later.. Party Rock daw ang song eh! naiimagine ko! ang saya! parang nung sa EK lang siguro! :) :D

hhmm.. 3rd day ko kaanina sa OJT! :) Masaya!!! pero shy type pa rin ako. haha! what did we do ba? :)) conyo amp. Gumawa pa rin ng stuff for their Christmas thang :) sarap nung brownies eh! :)) Finally met G, another female intern and A! :) they're friendly and me likey!!! dami namin sa kakarampot na room eh :)) 6 interns and 5 bosses in one itsy bitsy tiny hotel room na ginawang opis :)) pero cool! funny. Im enjoying! :) PLUS!!! Sir A, my super duper boss, was absent! tas nagtext kay Sir J naa si R (my co-intern) will be Santa Claus for the day! LAUGH TRIP! :)) "Little Santa of Astoria" daw. Nasa lobby siya ng hotel from 6pm-7pm mamimigay ng candies!! :)) was not able to take a picture him! :))  24 hrs na ko sa OJT! YAS!!!

hhmm.. had a  mini kwentuhan kanina with Lola Borbs tas natawa siya sa akin! Kasi we were talking about World War 2 tas namention niya sugar cane.. sabi ko "yun yung ngina-nga-nga diba?" TINITIGAN NIYA KO TAPOS MEJO INIS YUNG MUKA TAPOS SABI NIYA PABULONG "ay gag......." HAHAHAHAHAHAHA TAS TAWANG TAWA AKO KASI ALAM KONG MALI AKO! tas natawa na din siya!! Tinanong ko kung ano ba yung NGA-NGA... inexplain niya di ko magets kasi tawang tawa ako sa reaction ng muka niya =))) pota! NGAT-NGAT daw... taas sabi ko "ay luya pala yung ngina-nga-nga" tae ambot mas lalo kaming natawa :)) funny family! :))

what else what else... :))

PASKUHAN!!!!! Fcking Paskuhan. joke. haha. No im not bitter. I don't know. I'm not gonna lie... But. I never enjoyed Paskuhan.. swear. 1st year kasama ko highschool friends ko! Okay lang. 2nd year, with my 2nd year friends naburat kami so we went to Bedroom na lang sa Eastwood! serioso mas masaya pa yung Eastwood part eh. Tas dumaan kami sa Q.Ave. Eh tong mga gago kong kaklase ubod ng gago, malamng Q.Ave daming pokies, tumigil kami, binaba bintana tas tinanong kung magkano sabay harurot ng koche! HAHA! tas kung ano ano nang napagusapan! talaba. tahong and other sea shells =)) 3rd year, ano ba nangyare? shet di ko maalala.. eto ata yung nagaway kami ni Carl ni Mona.. HAHAHA not sure. can't remember :)) shet. Kaya di rin ako nagpunta eh.. kasi feeling ko same lang din mangyayare. =)) Pero gusto ko talaga makita yung payrworkz! :))

BUT, another reason is.... Mashadong maganda ilaw sa UST, nakakalungkot. GETS MO!? :)) Nalulungkot ako sa ilaw ng UST pag gabi. Sobrang saya niya nalulungkot ako. PAULIT ULIT!? :)) EMO TIME NA SHET! :)))) ETO NA TO EH. Bumabalik yung masasayang araw ko. May ibang aura kasi sa akin yung UST pag sapit ng dilim. Parang sinasaniban ako ng kung anong nilalang jan sa gilid. hahaha! Pero serioso ako. Ewan ko. Marami akong naaalala. Kasi nga sobrang lupit nung pagkasaya ko nung 2nd year pm life ko tas biglang *poof* nawala. Iba epekto ng gabi sa akin sa UST eh. Di ko alam pano iexplain. Pero shet na malupet! NOON KASI, PAG GABI NA SA UST, ANG DAMING NANGYAYARE SA BUHAY KO NA MEMORABLE :D Kaya pinili ko na din wag magpunta kasi di ko kayang harapin ang reality na wala na yung mga yon. Lalo na pag dumadaan ako sa 1611. NAKNAMPOOCHAA YAN OH! Dating inumaan naging PANADERIAA! akalain mo!? HAHAHAHAHA! Dun ko kasi nakabonding ng malupet friends ko. TAPOS! Eto hayop to, dun ko kaasi nakaholding hands ultimate cruush kong lalake! PAK!!!!! =)) pasabog yon. sikreto na lang kung sino. ANG DRAAMA PA NUNG MOMENT NAA YON DAHIL PAAUWI NA SIYAA! PAKSHET! PERO SIYA TALAAGA YUNG NAAUNA EH! tapos asjdhkjasdhi3owqhda k bye. enuf. :)))

see. that's my reason for this season! :)) kbye. natatae na ko. tugsh.

pero wait. light bulb moment. Nakakatawa lang na wala na yung 1611 inumaan pero yung mga taong nakasalamuha ko sa lugar na yon andito pa rin kaso iba na takbo ng buhay ng baawat isa. except kay kuya kendi! nagtitinda pa rin siya sa tabi ng 1611 at nakakatuwa lang na pag dumadaan ako doon bumabati pa rin siyaa at nangangamusta! nakakatouch lang ng heart. :)

wait ulit. ang sweet ng co-intern ko. nagtext ng goodnight! aww... ako daw kasi ate niya sabi nung mga lalake =))

hay.. LIFE!!!!!! :)


Task#1: Day 1, Partridge in a Pear Tree!!
(laman niyan angry bird na umiilaw HAHAH!)

Task#2: Day 2, 2 Turtle Doves :D
(di ko alam ano laman! absent ako nung ginawa nila!)

Task #3: Day3, 3 French Hens :D

 Task #4: 4th day, 4 Calling Birds
(brownies and cookies!)
HAHA! wololong. Collaterals!!!! :) Magazines! :)

THIS. NEW RESTO?! KAPITOLYO REPRESENT!!!
AWWWYEEEAA!!!!! Sana masurap sir! ;)

Wednesday, December 7, 2011

Sausage Party? :)

Ano ba nangyari sa buhay ko? Madami. :) Ewan.. Magulo eh :)) Up and down naman kasi life ko! Haha!

Pero masaya naman! Puro kerengkeng lang! :))) de joke. EH kasii.. wala.. gusto ko magkwento kaso tinatamad ako :))

Started kanina sa Astoria! :) It was fine. It was good. Was assigned sa MarComm Department. Marketing and Communications. Was excited kasi nga I have co-interns daw.. PERO nagulat ako when I opened the door... PAK!! SAUSAGE PARTY! =)) lahat sila lalaki. Swear. Ako lang babae sa room na yon. Gademet! But okay lang! My co-interns are friendly! :) Shy pa ko eh. HAHA! Tatlo sila eh. Roi, Allen and someone.. didn't get the chance to know the someone cause he left earlyyy! :) blah blah blah.. Had lunch with them.. blah blah blah.. SAKIT NG PAA KO! Heels all day! That's how I roll! AWW YEAA!!! =))) pero serioso. Natawa nga co-interns ko eh.. kasi shet ilang beses kaming inutusan maghatid ng documents.. eh stairs all the way doon dahil yung elev for guests lang!!!! so fire exit kami dumadaan.. shet. di ko na talaga kaya.. nung pauwi na kami sabi ko "PWEDE KO BA HUBARIN SAPATOS KO????" walang pakundangan ako tumigil habang bumababa kami ng hagdan tapos hinubad ko sapatos ko! HAHAHAHAHAHA kingina. nagulat ata sila sa akin. wala akong paki. MASAKIT NA PAA KO PWEDE??? :)))) naka foot socks naman ako kaya keri lang maglakad :)) hayzt.

That's it pancit :)

HAPPINESS nanaman. Hello Baby Powder! :) heehee. Kerengkeng eh. HAHA!

K. Bye. Tamad na ko.

Tuesday, November 29, 2011

Tumaas ang aking.... KILAY!

Kelangan ko toh ilabas. NAKAKABUSET! :)) Teh, bat ka ganyan?? Hindi ka pa nakuntento eh kung tutuusin NAPAKASWERTE mo na. Ilang libong babae ang nagkakandarapa para lang mapansin niya tapos ikaw nagrereklamo pa? Imbis na mag inarte ka jan magpasalamat ka na lang!

Punieta umiinit talaga ulo ko =)) napakaselfish talaga eh.. Gusto kanya lahat! HINDI PWEDE YAN! Sinasabi ko sayo! =)) SUCH A BITCH! >:| Pareparehas lang tayo. Hindi porket pinansin ka niya angat ka na. Hindi rin dahilan yun para manlait ng ibang tao pag di mo nakuha gusto mo. INTIENDE??

MYGOODNESS! :)) Yoko na. :))

Kanina sobrang sama ng pakiramdam ko. GRABE lang. Kahapon din. Same time. Mga 3pm onwards. Ano meron saken? -_- tas pag gising ko wala na! Tas babalik ng mga 12am! :| huhu. Inaso eh. Haha. Since masama nga pakiramdam ko, natulog muna ako. Pahinga. NAK NG TOKWA OH! :)) Sobrang saya lang ng panaginip ko! :))

Ewan ko anong lugar yon :)) basta padating daw isang van na puno ng Ytube Artists :)) Ang nagddrive daw si J.Reyez... :)) edi sigaw kung sigaw ang drama ko! :)) naknampoocha yan oh, biglang tumigil. Nagsibabaan silang lahat :)) shempre di mawawala ang pinakamamahal kong si JOSEPH VINCENT! :)) Tinawag ko daw siya, namansin naman.. :)) tas lumapit ako at nagpapicture ng malupit :)) YAKAP KUNG YAKAP! NAGMISTULANG TUKO AKO EH! =))))) putek basta kung ano ano pang nangyare! :)) sobrang tili daw ako ng tili sa panaginip ko! :)))) tas pag gising ko, WALANGYA! Yakap yakap ko yung unan ko tas nakangiti ako! =)))) TAS NAREALIZE KO PANAGINIP LANG YON! GAGO PARA KONG TANGA NA NAGTANTRUMS SA KAMA! SERIOSO! =)))))))))) Kasi tangina sobrang saya ko dun sa panaginip ko nanghinayang ako nung narealize ko na PANAGINIP LANG LAHAT YON! =)))))))) HAHAHA! Yamot ako ehhh.. Serioso nag tantrums ako sa kama kanina :)))) Pero kemerloo!! :D shet! Ang tigas ng katawan niya! *kagat labi* WAHAHAHA :D sarap niya ihug kasi mas matangkad siya sa akin! :D heehee! ♥ ♥ ♥  Ano to adik adik nanaman ako? Hindi. HAHA!

Hay.. JV JV JV. Di ko papalampasin na mayakap ka sa totoong buhay pag dumating ka dito! PLANADO NA LAHAT! bwahahaha! Chos.

Yun lang. Baboo.